top of page
BINI Gwen.jpg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 21, 2026



Ang pag atake ng US military sa suspected boat sa idumano drug smuggling sa Caribbean Sea - AP

Photo: Ang pag atake ng US military sa isang bangkang pinaghihinalaang ginagamit sa drug smuggling sa Caribbean Sea - AP



Patay ang apat na katao matapos hampasin ng U.S. military ang isang bangkang pinaghihinalaang ginagamit sa drug smuggling sa Caribbean Sea nitong Sabado.


Ayon sa U.S. Southern Command, nasa kilalang drug-trafficking route ang sasakyang-dagat nang isagawa ang strike. Gayunman, walang inilabas na ebidensiya ang militar na may dalang droga ang bangka.


Dahil sa pinakahuling operasyon, umabot na sa hindi bababa sa 231 katao ang nasawi sa 69 boat strikes ng U.S. military mula nang simulan ng administrasyong Trump ang kampanya laban sa mga tinatawag nitong “narcoterrorists” noong 2025.


Kasabay nito, sinusubukan ng Washington na palawakin ang operasyon sa lupa sa ilang bansa sa Latin America. May joint missions na ang U.S. at Ecuador, habang may mga pahayag tungkol sa posibleng operasyon kasama ang Colombia at Honduras; itinanggi naman ng Guatemala ang sinasabing kasunduan.


Ipinagtanggol ni U.S. President Donald Trump ang mga strike bilang bahagi ng kampanya kontra drug trafficking, pero patuloy na kinukuwestiyon ng ilang mambabatas, legal experts at rights groups ang legalidad at sapat na ebidensya sa mga operasyon.

 
 

ni Eli San Miguel @News | Dec. 23, 2024



  • US typhoon missile philippines - Citizens for National Security

Photo: US typhoon missile philippines - Citizens for National Security


Inihayag ng commanding general ng Philippine Army ngayong Lunes, na plano ng militar na kumuha ng US Typhon missile system upang protektahan ang mga interes nito sa karagatan, na sumasaklaw ang ilan sa mga lugar na inaangkin din ng China.


Inilagay ng US Army ang mid-range missile system sa hilagang bahagi ng Pilipinas nitong mas maagang bahagi ng taon para sa taunang joint military exercises kasama ang matagal nang kaalyado.


Nagpasya rin itong iwan doon sa kabila ng mga batikos ng Beijing na nagdudulot ito ng destabilization sa Asya. Mula noon, ginagamit na ito ng puwersang militar ng Pilipinas para magsanay sa operasyon nito.

 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 21, 2024



  • Republican representative na si Andy Biggs ng Arizona para sa spending bill - US - AP

Photo: Republican representative na si Andy Biggs ng Arizona - AP


Ipinasa ng United States Congress ang isang spending legislation nitong Sabado ng madaling araw upang maiwasan ang destabilizing government shutdown sa paparating na holiday travel season.


Inaprubahan ng Democratic-controlled Senate sa botong 85-11 ang panukala,38 minuto matapos ang expiration ng pondo nu'ng hatinggabi na naging dahilan upang hindi ipatupad ng shutdown procedures ang gobyerno sa loob ng nasabing oras.


Ang panukalang batas ay isusumite na sa White House, kung saan inaasahang lalagdaan ito ni Pangulong Joe Biden upang maging batas.


Nauna nang inaprubahan ang package sa Republican-controlled House of Representatives (HOR) na may suporta mula sa parehong partido, nagpapakita ng malawakang pagkakaisa para maiwasan ang government shutdown.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page