top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg

US at Iran, malapit nang magkasundo sa pagbubukas ng Strait of Hormuz

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | May 29, 2026



Strait of Hormuz - Wiki - File


Iniulat ng state television ng Iran na nakakuha umano ang Tehran ng draft ng isang paunang memorandum of understanding (MoU) kasama ang Estados Unidos kaugnay ng posibleng pagtatapos ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.


Batay sa ulat, nakasaad sa draft framework na ibabalik ng Iran sa normal o pre-war levels ang commercial shipping sa Strait of Hormuz sa loob ng isang buwan. Kapalit nito, aalisin naman ng Estados Unidos ang mga puwersang militar nito malapit sa Iran at ititigil ang naval blockade.


Ayon sa state TV ng Iran, hindi pa pinal ang naturang framework at hindi muna kikilos ang Tehran hangga’t wala umanong “tangible verification” o konkretong katiyakan sa mga napagkasunduan.


Nakasaad din sa draft na hindi kabilang ang mga military vessel sa kasunduan at pamamahalaan ng Iran ang pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz katuwang ang bansang Oman.


Dagdag pa rito, kung magkakaroon ng pinal na kasunduan sa loob ng 60 araw, maaari umano itong aprubahan bilang isang binding resolution ng United Nations Security Council.


Nabatid na ang naturang kasunduan sa pagitan ng U.S. at Iran ay bunga ng indirect talks na sinimulan matapos sumiklab ang digmaan noong Pebrero, kung saan naging pangunahing tagapamagitan ang bansang Pakistan para sa tigil-putukan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page