US Ambassador to the Phils. Carlson, positibo sa COVID-19
ni Lolet Abania | August 12, 2022

Nagpositibo si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa test para sa COVID-19.
Sa isang tweet, nag-post si Carlson ng isang larawan ng kanyang testing strip at sinabing naka-isolate na siya sa kanyang tahanan na nakararanas ng mild symptoms.
Ayon sa opisyal, natutuwa siya dahil vaccinated at boosted na siya ng Pfizer COVID vaccine habang aniya, “looking forward to recovering and experiencing more of the Philippines.”
Nagtanong naman si Carlson kung anong mairerekomendang shows at movies na mapapanood habang siya ay nasa isolation.
Matatandaang dumating sa Pilipinas si Carlson noong Hulyo 21.





Comments