top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Uratex Dream, nag-champ sa Women's Nat'l Basketball

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 28, 2022





Nakamit ng Uratex Dream ang ikalawang sunod na kampeonato sa pagwawakas ng FSD Auto Insurance Women’s National Basketball League (WNBL) 3x3 Leg Two Sabado ng gabi sa Angelis Resort ng Muntinlupa City. Tinalo ng Dream ang host team Angelis Resort, 20-16, upang mauwi ang mga gintong medalya at gantimpalang P15,000 sa natatanging ligang propesyunal sa bansa para sa kababaihan.


Lamang lang ng tatlo ang Dream, 9-6, at iyan ang hudyat para ibuhos ni Alyssa Villamor ang 10 ng huli nilang 11 puntos at isang puntos na lang ang kailangan upang wakasan ng maaga ang 10 minutong laban, 20-12. Hindi sumuko at lumaban hanggang huling busina ang Angelis at binawasan ang huling agwat. Nanaig din ang Dream sa Angelis sa group stage, 20-19, upang walisin ang apat na laro sa Grupo A. Bago noon, isa-isang pinabagsak nila ang We Got Next (21-9), Sureviewd (21-9) at Boost Basketball Science (21-7).


Sa semifinals, pinauwi ng Dream ang JJD Basketball, 22-11. Sa kabilang semis, ginulat ng Angelis ang Uratex Tibay na perpekto ang kartada sa Grupo B sa bisa ng mga panalo sa JJD (17-6), Dreamers (19-13), Alona Quezon (21-7) at Rizal Huskies (21-14).


Hinirang si Villamor bilang Most Valuable Player. Ang kanyang mga kakampi ay sina Kaye Pingol, Angel Anies at Tina Deacon na siya ring bumuo ng koponan sa unang kampeonato noong Disyembre sa San Fernando, Pampanga.


Ang ikatlong yugto ng serye ay nakatakda para sa Marso 26 sa Angelis Resort muli.

Nagkasundo na ang WNBL at pamunuan ng resort na doon na gaganapin ang buong torneo hanggang grand finals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page