top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Unveiling, suportado ng mga bossing sa ABS-CBN… WAX FIGURE NI KATHRYN, KUHANG-KUHA ANG MUKHA NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 10, 2026



WINNER - WAX FIGURE NI KATHRYN, KUHANG-KUHA ANG MUKHA NIYA-IG MadameTussaudsHK

Photo: IG MadameTussaudsHK



Sinuportahan si Kathryn Bernardo ng mga executives ng ABS-CBN sa unveiling ng kanyang Madame Tussauds wax figure. Patunay lang na si Kathryn pa rin ang top homegrown artist ng ABS-CBN. At siyempre, may bago siyang serye na malapit nang ipalabas.


Sabi nga ng isang netizen sa X (dating Twitter), nag-iisa lang siya sa kanyang trono sa ABS-CBN.


Isa si Kathryn sa mga Kapamilya stars kung bakit nananatiling konektado ang ABS-CBN sa mga Pilipino online.


Patunay dito ang naitalang record ng ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel na may 55 milyong subscribers, kaya nananatili itong may pinakamaraming subscribers sa Southeast Asia para sa media and entertainment category.


Umabot na rin ito sa 76 bilyong lifetime views noong Hulyo 3, base sa datos ng Tubular at YT Analytics.


Marami kasing mapagpipilian sa ABS-CBN Entertainment YT channel tulad ng full episodes ng mga kasalukuyang umeere na programa at well-loved classics, highlights, at exclusive videos.


Available rin dito ang Kapamilya Online Live, kung saan mae-enjoy ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo ang 24/7 live streaming ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN na kasalukuyang umeere, pati na rin ang replays ng mga all-time favorite show.


Ilan sa mga mapapanood sa YT channel ang mga primetime shows na Coco Martin’s Sigabo, Blood vs. Duty (BVD), at The Alibi: Ang Buong Katotohanan (TAABK), gayundin ang mga fan favorite na It’s Showtime (IS) at ASAP XP, ang newscast na TV Patrol (TVP), at ang mga weekend game shows na Kapamilya, Deal or No Deal (KDOND) at Everybody, Sing! (ES).


Anyway, marami ang pumuri sa wax figure ni Kathryn.


“Mas mukhang Kathryn ‘yung wax figure kaysa kay mismong Kath (laughing emoji).”

“Grabe, kuhang-kuha ang hulma ng original. Hmmmm…”

Panalo!





Sana raw, si Janice rin…

AGA, PUMAYAT NA, BALIK-PELIKULA



Handa na si Aga Muhlach sa kanyang pagbabalik-pelikula. Todo-exercise na ang aktor sa pamamagitan ng pagbibisikleta kaya malaki na ang nabawas sa kanyang timbang.

Tamang-tama ito sa kanyang pagbabalik sa pelikula. Pasok kasi ang movie niyang 2nd Miracle in Cell No. 7 sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).


Sa Instagram (IG) ay naka-post sa account na @agamuhlachfamofficial ang larawan niya habang nakasakay sa bisikleta.


Nakasulat sa art card ng larawan: “Back to work soon… I'll be ready.”

Caption sa nabanggit na IG post, “Slim na ‘yan s’ya. Ready na po kami makita ka sa big screen. Ingat palagi, Daddy A.”


Ang larawan ni Aga ay kinuha sa personal IG account ng aktor.

Ilan sa mga komento ng netizens…

“Wow! Pumayat na si idol.”

“Payat na ang idol ko.”

“Ayos na naman po for good health.”


May komento rin ang isang fan na nagwi-wish na pumayat na rin si Janice de Belen para muli silang magtambal ni Aga.


“Sana, pumayat din si Janice de Belen para makagawa ulit kayo ng movie. Mapagbigyan n’yo naman ang mga tagahanga n’yo. Ang tagal umasa, naghintay, ‘di napagbigyan. ‘Di nga kayo itinadhana, pati pa naman sa movie, walang pag-asa. Nakakalungkot naman.”

Wow! For sure ay gusto ‘yan ng anak nilang si Luigi Muhlach.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page