Unvaxxed students at school personnel, pwede na sa in-person classes – CHED
ni Lolet Abania | August 29, 2022

Hindi na kinakailangan ang COVID-19 vaccination para sa mga estudyante at personnel na kalahok sa in-person classes sa mga colleges at universities, ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera ngayong Lunes.
Una nang ni-require ng CHED sa mga estudyante at school personnel na dapat bakunado laban respiratory disease para makadalo sa mga classroom sessions.
Matatandaan na ang face-to-face classes ay ipinagbawal noong unang bahagi ng 2020 dahil sa COVID-19, kaya napilitan ang mga paaralan na mag-shift na lamang sa tinatawag na remote learning.
Gayunman, ang mga kolehiyo at unibersidad ay unti-unti nang ipinagpatuloy ang traditional classroom setup simula noong nakaraang taon.
Nabanggit na rin ni De Vera na nasa higher education institutions na ang pagpapasya kung nais na nilang ibalik ang in-person classes ng full capacity o ipagpatuloy ang pagpapatupad ng remote o blended learning.





Comments