top of page

Unvaccinated NBA players, may weekly COVID-19 test

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2022
  • 1 min read

ni MC / Anthony E. Servinio - @Sports | September 2, 2022


ree

Sasailalim sa lingguhang testing ang mga NBA players at staff na hindi bakunado laban sa COVID-19 para sa 2022-23 season.


Inanunsiyo ng NBA ang alituntunin sa isang memo na ipinadala sa teams noong Martes.


Ayon sa Associated Press, exempted sa Liga ang "recently recovered" mula sa infection at clear na rin ang kondisyon mula sa kanilang team physician , league physician o government authority."


Bilang dagdag, ang players at staff ay nirerekisa na sumailalim sa testing kapag may nararamdamang sintomas anuman ang status ng bakuna. Nire-required din silang mag-report kapag may nasuring positibo sa mga kasama nila sa bahay.


Karamihan sa NBA players ay bakunado. Hinihikayat din ng liga ang players na ipa-up-to-date ang kanilang vaccination status, kabilang na ang inaabangang booster para sa Omicron variants. Hindi na requirements ang facemasks pero rekomendado sa indoors at mga lugar na may mataas na positivity rates.


Ang alituntunin ay ayon na rin sa kasunduan sa National Basketball Players Association.


Mula na rin sa unang preseason policy na kinakailangan na ang unvaccinated players ay sumailalim sa araw-araw na testing bago maging bahagi ng anumang team activities o pagpupulong sa iba pang personnel.


Napuwersa ang NBA na i-postpone ang ilang mga laro noong winter nang magka-outbreak ng Omicron variant sa liga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page