top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Unvaccinated Irving, bida sa Nets, giniba ang Pacers

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 07, 2022






Agad nagpakita ng husay si Kyrie Irving at tinulungan ang bisitang Brooklyn Nets nang talunin ang Indiana Pacers, 129-121, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon mula sa Gainbridge Fieldhouse. Nagdiwang din ang Dallas Mavericks at itinumba ang numero unong Golden State Warriors, 99-82, sa gabi ng parangal para sa alamat na si Dirk Nowitzki na iniretiro numero 41.


Nagtala si Irving ng 10 sa 22 puntos sa 4th quarter nang muling maglaro sa halos pagliban sa 35 games dahil sa pagmamatigas na hindi magpabakuna vs. COVID-19 na kailangan upang makalaro sa New York at ilang piling lungsod sa NBA. Hindi kinalawang si Irving at umangat kina Kevin Durant para sa 39 puntos upang sayangin ang triple double ni Pacer Domantas Sabonis na 32 puntos, 12 rebound at 10 assist.


Sinigurado ni Luka Doncic ang panalo ng Mavs sa 26 puntos. Hinintay tapusin ang laro para simulan ang seremonya at hindi napigilan ni Nowitzki na maluha habang tinataas ang uniporme na ginamit mula 1998 hanggang 2019 at markado ng nag-iisang kampeonato ng prangkisa noong 2011 at MVP noong 2007.


Inihayag ni Mark Cuban, owner ng Dallas, na magtatayo sila ng rebulto ni Nowitzki. Sa pagkatalo ng Warriors, lalong humigpit ang karera sa taas ng Western Conference at panalo ang pumapangatlong Utah Jazz sa Denver Nuggets, 115-109, sa bisa ng 36 puntos at 13 rebound ni Bojan Bogdanovic.


Bumalik galing sa suspensiyon si Kevin Porter Jr. at ipinasok ang three-points na may isang segundo sa orasan upang itulak ang Houston Rockets sa panalo laban sa Washington Wizards, 114-111.


Nakalusot ang San Antonio Spurs sa Boston Celtics, 99-97, sa likod ng 22 puntos ni Dejounte Murray. Itinapal ng bisitang Toronto Raptors ang ikalawang sunod na talo sa World Champion Milwaukee Bucks sa Fiserv Forum, 117-111. Nagpiyesta ang Charlotte Hornets laban sa kulelat ng NBA na Detroit Pistons, 140-111.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page