top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Unti-unti na naglalaho ang COVID-19

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2022
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 14, 2022



HALOS wala nang COVID-19.


Mabilis na bumababa ang bilang ng nagkakasakit!


◘◘◘


MAAARING maglaho ang COVID-19, pero ang ekonomiya ay nanatiling paralisado.


Marami pa rin ang nakasaradong negosyo at milyun-milyong ang walang trabaho!


◘◘◘


SANGKATUTAK ang dumaranas ng depresyon at matinding stress dahil sa kawalan ng pagkakakitaan.


Wala ring pambayad sa utilities ang mga tao, tulad sa konsumo ng tubig, elektrisidad, renta ng bahay at iba pa!

◘◘◘


ALAM ba ninyong hindi lang ang ordinaryong tao ang dumaranas ng matinding pagdarahop, bagkus ay maging ang malalaking korporasyon?


Maging ang publiko at pribadong sektor ay apektado ng krisis na mahirap matukoy kung kailan magtatapos!

◘◘◘


SA totoo lang, pinutulan ng serbisyo ng kuryente ng Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. ang palaisdaang pinatatakbo umano ng pamilya Suarez sa Quezon.


Ayon mismo sa Quezelco 1, hindi umano nababayaran ang mahgit P4.5 milyong pisong konsumo sa kuryente ng Fin Fish Hatchery.


◘◘◘


SA disconnection order ng Quezelco, minarkahan pa nito ang Fin Fish Hatchery ng delinquent consumer.


Noong Enero, naglabas ng demand letter ang Quezelco 1 na naka-address kay Quezon Gov. Danilo Suarez, kung saan nakasaad na dapat mabayaran ang obligasyon sa kuryente sa loob ng 5-araw.


Gayunman, ayon kay Atty. Sonny Pulgar, legal counsel ng Quezelco 1, iginigiit ni Suarez na ang mga kinunsumong kuryente ng Fin Fish Hatchery ay sakop ng account ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.


Pero ayon sa BFAR, security guard services lang ang binabayaran nila batay na rin sa kasunduan at hindi kasama ang konsumo sa kuryente.


◘◘◘


SINASABING ang hindi nabayarang konsumo sa kuryente ng nasabing palaisdaan ay mula March 2020 hanggang November 2021.


Labis naman ang pagkadismaya ni Pulgar sa hindi mabayarang kuryente ng pasilidad ng mga Suarez.

◘◘◘


VALENTINE’S Day na at maraming gimik ang lumilitaw sa social media.


Aabot sa 31 pares ng mag-asawa at mag-kasintahan mula sa Lungsod ng Caloocan ang nakatanggap ng sertipiko at maagang regalo mula kay Konsehal Vince Hernandez sa katatapos lamang na ConVINCEd Army V-Day Love Vlog Contest.


Tumanggap ng certificates at grocery bag na naglalaman ng mga pagkain at iba pa, at personalized couple t-shirts ang mga nanalo sa nasabing contest.


◘◘◘


ANG patimpalak ay ginawa sa Facebook, kung saan ipinakita ng mga ito sa kanilang ipinadalang video ang pagsisimula ng kanilang pagmamahalan.


Ang contest ay ginawa para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso upang ipakita ang saya ng bawat magkarelasyon sa kabila ng pandemya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page