ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 6, 2024
Kailangang sagutin ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat ng mahalagang proseso para sa cancer at heart surgery nang walang limitasyon, ayon kay AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee, na nagsulong ng 30% na pagtaas sa mga benepisyo ng ahensya.
“Tinututukan ko po ito, hindi tayo hihinto sa 30 percent increase sa benefits na ipinaglaban natin,” pangako ni Lee.
Binanggit niya na maaaring magkahalaga ang paggamot sa mga karamdamang ito ng milyon-milyon, ngunit nag-aalok lamang ang PhilHealth ng 150,000 hanggang 600,000 piso para sa buong proseso ng gamutan.
“In the case of cancer, alam naman natin na ang gamutan diyan, hindi pwedeng installment. Gusto natin gawin itong unlimited. Dapat full coverage; kung ano ang kailangang gamutan sa cancer, kailangan sagot lahat ng PhilHealth ‘yan,” sabi ng mambabatas.
“Because there are so many cases, na kahit doble ang itaas ng coverage, kakapusin pa rin sa pambayad ang mga miyembro,” dagdag niya.
Comments