top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

United FC, giniba ang Iloilo sa Round 1 ng PFL sa Carmona

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 19, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | September 19, 2022



Nagsilbing magic bunot si Pocholo Bugas sa 2-0 tagumpay ng defending champion United City FC sa kapwa higante Kaya FC Iloilo sa pagtatapos ng Round 1 ng 2022-2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways Sabado sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.


Bumalik sa ikalawang puwesto ang United City sabay wakas ng limang sunod-sunod na panalo ng Kaya. Matapos ang walang goal sa first half ng dalawang panig, ipinasok ni Coach Frank Muescan si Bugas sa ika-55 minuto at wala pang dalawang minuto ang lumipas ay nilikha niya ang unang goal ng mainitang laban. Sinelyuhan ni Hikaru Minegeshi ang resulta sa ika-86 minuto matapos lumayo at iwanan ni Kaya goalkeeper Quincy Kammeraad na walang bantay ang kanyang goal.


Nabawi ng United City ang pangalawang puwesto na may 13 puntos subalit may isa silang ipinaliban na laro kontra Azkals Development Team. Kahit bigo, numero uno pa rin ang Kaya at nanatili sa 15 puntos subalit lumiit ang agwat nila sa humahabol na United City.


Noong Biyernes, walang awang pinarusahan ng Dynamic Herb Cebu FC ang Mendiola FC 1991, 7-1, sa likod ng apat na goal ni Arda Cinkir. Dumating ang mga goal ni Altinoz sa ika-lima, 21, 23 at 36 minuto at kasama ang dalawa pang goal nina Jason Cordova (18’) at Chima Uzoka (34’) ay umarangkada ang Gentle Giants sa 6-0 lamang sa pagsara ng first half.


Dinagdagan ito ng isa pang goal ni Ren Okuda sa ika-50 minuto bago nakuha ni Junior Sam ang konswelong goal para sa Mendiola sa ika-67 minuto. Walang duda na si Cinkir ang Man of the Match at pansamantalang umakyat sa ikalawang pwesto ang Cebu na may 11 puntos buhat sa tatlong panalo, dalawang tabla at isang talo.

Laro ngayon Martes – PFF National Training Center, Carmona 4:00 PM Dynamic Herb Cebu vs. Maharlika Manila

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page