UniTeam, nagkalamat dahil sa mga ‘demonyo’ at ahas sa Malacañang
- BULGAR
- Feb 4, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 4, 2024
LALONG TITINDI ANG BANGAYANG PULITIKA KASI SEN. IMEE KAY VP SARA SUMUPORTA, FORMER PRES., REP. GMA KAY SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ SUMUPORTA -- Kung si presidential sister Sen. Imee Marcos ay nagpahayag ng suporta kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, si former president, Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay kay Speaker Martin Romualdez naman nagpahayag ng suporta.
Dahil d’yan ay asahan nang mas lalong titindi ang bangayang pulitika sa ‘Pinas, abangan!
◘◘◘
SEN. IMEE TAKLESA KAYA MGA CONG. TAKOT NA PANGALANAN SILA KUNG SINO SA KANILA, GUMAMIT NG PERA NG BAYAN PAMBILI SA PIRMA SA PI -- Nanawagan ang mga kongresista kay Sen. Imee na tigilan na ang imbestigasyon ng Senado sa People’s Initiative (PI).
Pagpapakita ‘yan na malaki ang takot ng mga cong. kay Sen. Imee, kasi kilala nilang taklesa ito at takot silang pangalanan ng presidential sister kung sinong mga cong. ang gumamit ng pera ng bayan para pambili sa pirma ng mamamayan sa PI, period!
◘◘◘
PARA KAY SEN. IMEE, WALANG IBANG DAPAT SISIHIN SA PAGKALAMAT SA UNITEAM KUNDI ANG MGA ‘DEMONYO’ AT AHAS DAW SA MALACAÑANG -- Ayon kay Sen. Imee, may lamat na ang UniTeam nina Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) at VP Sara.
At wala raw ibang dapat sisihin sa pagkakaroon ng lamat ng UniTeam, kundi ang mga ‘demonyo’ at mga ahas na nasa Malacañang, boom!
◘◘◘
DAPAT BUWAGIN NA ANG NTF-ELCAC KASI ‘DI LANG NAMAN RED-TAGGING ANG INIISYU SA KANILA, KUNDI PATI PAGGASTA SA PERA NG BAYAN NANG WALANG KAAKIBAT NA RESIBO --Inirekomenda ni United National (UN) Special Rapporteur Irene Khan sa Marcos administration na buwagin na ang National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil umaabuso raw ito sa gawaing red-tagging na naglalagay sa panganib sa buhay ng kanilang mga nire-red-tagged.
Sa totoo lang, hindi lang naman ang red-tagging ang isyu sa NTF-ELCAC, kundi pati ang paggasta umano nito ng bilyun-bilyong pisong pera ng bayan, na ginastos nila nang walang kaakibat na resibo at kung saan nila ginasta ang kaban ng bayan, period!





Comments