top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Undefeated ang E-painters; Imakulada rin ang Clarin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 25, 2021




Napanatili ng Rain or Shine Elasto Painters ang undefeated streak na iniangat sa tatlo matapos ihatid sa unang pagkatalo ang Meralco Bolts, 85-72, kahapon sa PBA Philippine Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.


Kumulekta ng 17 puntos si Beau Belga para gabayan ang koponan sa malinis na 3-0 kartada, habang nanguna sa scoring si Jayvee Mocon sa 18 pts, gayundin ang kumbinasyong ambag nina Rey Nambatac at Norbert Torres sa 28 pts.


“Siguro naging maganda ang mga laro naming dahil ginugusto naming dumepensa kami lagi at mag-execute lang ng opensa kung sino lagi ang libre. Hindi kase uubra sa PBA yung mataranta ka at di uubra yung bara-bara sa laro,” wika ni Belga.


Nagsimulang maging maganda ang takbo ng laro para sa E-Painters sa 2nd quarter nang maglunsad ng 12-2 blasts ang mga ito para kunin ang 26-20 sa 7:46 ng 2nd quarter hanggang sa tapusin nila ito sa 42-35.


“I’m really grateful to Beau and Gabe (Norwood) because they set the standards from day one. I said it before. when your best players are working hard, it will set us the winning culture. We want to be the most hard-working team in the PBA,” saad ni coach Cris Gavina, na patuloy na malinis ang marka bilang bagong coach ng Elasto Painters mula nang palitan si coach Caloy Garcia.


Samantala, gaya ng nararanasang buhos ng ulan sa Kamaynilaan, hindi rin mapigilan sa pagragasa ang Clarin Sto. Nino sa patuloy na pagbulsa ng panalo kontra sa JPS Zamboanga City, 95-69, upang manatiling walang bahid ng pagkatalo sa nalalapit na pagtatapos ng elimination round ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup, kaapon sa Plaza Luz Gym, Pagadian City, Zamboanga del Sur.


Muling bumirada sa puntusan si 2nd league scoring leader John Wilson ng 25 puntos, s para pangunahan ang Clarin Sto. Nino sa 6-0 marka sa kauna-unahang professional league sa katimugan at magkaroon ng tsansa na ma-sweep ang elimination round at umabante sa Mindanao finals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page