Unang labas pa lang sa serye… FANS KAY BIANCA: ANG ANGAS MO!
- BULGAR

- Jul 11
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 11, 2025
Photo: PBB Collab Big Winner - BreKa
Grabe talaga ang iskedyul ng mahal naming si dearest idol-friend Gov. Vilma Santos-Recto.
Sa pormal niyang paglagda ng apat na pangunahing Executive Order kaugnay ng mga programa niya sa HEARTS last Monday, July 7, sunod-sunod ang ginawa niyang pakikipagpulong sa mga lokal na lider ng Batangas Province.
Siyempre, may kani-kanyang prioridad at programa ang bawat locality, kaya naman sentralisado ang ‘goal achieving’ plan nila.
At dito nga rin niya kinakailangan ang energy at youth ni Luis Manzano, lalo’t nais ngang tuparin ni Luis ang naging laman ng kanyang kampanya sa Batangas lalo na ang mga usaping ‘youth, health, scholarships, technology training, at iba pa’.
Sa latest chika namin with Gov. Vi, may mga bago silang proyekto na hospitals (community) at mga industry-related jobs, kaya’t panay-panay rin ang pakikipag-meeting niya sa mga tamang agencies, kasama na ang ilang multi-sectoral projects sa ilalim ng ahensya ng mismong Pangulong Bongbong Marcos.
“Nakukumpleto mo pa ang tulog mo, Ate Vi?” tanong namin sa kanya.
“To be honest, hindi. But I try to get some power napping ‘pag may chance. Ganito naman talaga lagi sa umpisa, ‘yung pag-establish at pag-re-establish ng mga plano ang mahirap, ang madugo.. pero ‘pag naging cooperative at united ang lahat, gagaan na rin,” sagot nito.
“So ‘yung pinag-uusapan nating one movie project mo in three years ay?” pabitin namin susog.
“Alam mo ‘yan. Mangyayari ‘yan at the right time. Basta our lips are sealed muna,” sey nito.
O hayan ha! mga Vilmates, wait lang po muna tayo. Basta ipag-pray natin siya lagi dahil gabundok na responsibilidad ang nakaatang sa kanya sa lalawigan ng Batangas.
Buti na lang talaga, lagi rin siyang napapasaya ni Peanut, ang napaka-bibo at umaarteng anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Hahaha!
MATAPOS niyang lumabas mula sa Bahay ni Kuya, balik-acting na si Sparkle artist Will Ashley para sa pelikulang Bar Boys 2 (BB2).
Sa kanyang Instagram (IG) post ay ibinahagi ng aktor ang kanyang excitement dito, “So happy to be back on set!”
Naikuwento rin ni Will sa sumabak siyang muli sa isang workshop kasama ang direktor na si Kip Oebanda.
Well, kaabang-abang talaga ang projects na nakapila para sa Nation’s Favorite Son!
Meanwhile, excited din ang ilang naging supporter niya dahil mukhang may blessing na raw ang pagkakaroon niya ng ka-love team o ka-triangle sa tandem nina Bianca de Vera at Dustin Yu.
Hmmm...
NAGING emosyonal naman ang ilang mga contract stars, executives at mga empleyado ng ABS-CBN sa ginawa nilang seremonya last July 9.
Ito nga ‘yung pormal na pamamaalam dahil aalisin o gigibain na ang ABS-CBN compound kung saan nakatayo ang tinatawag na Iconic Millennium Tower o ang ABS-CBN Tower.
Simula nga ng makabalik ang network in 1986 after itong ma-establish as ABS-CBN broadcast network in the 60's (nagsimula ang company in 1946), ngayong 2025 na nga ito mamaalam.
Although alam naman nating lahat na masaya na ang kumpanya sa pagiging content provider ng programs at pakikipag-collab sa broadcast industry, may bahid pa rin siyempre ng lungkot sa mga taong nagsilbi at naging bahagi ng network,
Personally, sobra din kaming nalungkot dahil halos naging bahagi rin kami ng ABS-CBN for 20 years (officially) at kung isasama ng mga years na nag-OJT kami from 1986 to 1989, may plus 3 pa, Hahaha!
But we all have to move forward and be the useful individuals we need to be.










Comments