Unang kaso ng COVID-19 sa Aurora, naitala
- BULGAR

- Aug 14, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 14, 2020

Nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19 ang Aurora Province nitong Miyerkules.
Ayon sa local inter-agency task force on COVID-19, isang 54 year old na babae na resident eng Baler ang nagpositibo sa virus. Isa rin umano itong locally stranded individual mula sa Pasay City at dumating sa Baler ng Aug. 4.
Agad itong dinala sa Aurora Memorial Hospital noong Aug. 6 dahil sa stroke. Nilinaw naman ni Mayor Rhett Angara na nagpositibo ito sa virus noong Miyerkules at agad na nilipat sa Paulino J. Garcia Memorial Search and Medical Center sa Cabanatuan City.
Sinabi naman ni Aurora Gov. Gerardo Noveras na ang kanilang probinsiya ay classified pa rin bilang COVID-19 free dahil ang pasyente ay nakakuha ng virus sa Metro Manila.
Samantala, nakapagtala rin ng unang kaso ng COVID-19 ang Quirino province noong Lunes.





Comments