Unahan sa standings ang Kings at Bolts
ni Clyde Mariano @Sports | July 5, 2023

Kakalasin ng Barangay Ginebra Kings at Meralco Bolts ang taling nag-uugnay sa kanila sa pangatlong puwesto sa kartadang 4-2, maghaharap ang dalawang koponan ngayong Miyerkules sa PBA Preseason on Tour sa UST gym.
Magtutuos ang Kings at Bolts ng 7:30 pm matapos ang 5 pm na sagupaan ng North Port at NLEX.
Parehas galing sa panalo at mataas ang morale ng Gins at Bolts. Tiyak magpapatayan nang husto at matira ang matibay ang Kings at Bolts na panonoorin ng mga estudyante ng UST.
Nanalo ang Kings sa huli nilang laro sa erstwhile undefeated Rain or Shine, 108-107 at kinuryente ng Bolts ang sister team wna ala pang panalong Talk ‘N Text na sumadsad sa pang-apat na sunod na talo, 108-90.
Determinadong manalo ang Gins at Bolts nang umakyat sa pangatlong puwesto sa kartadang 5-2. Lamang ang Bolts dahil intact ang lineup kumpara sa Kings na kulang sa players at wala ang mga key players kasama sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson na naglalaro sa Gilas Pilipinas.
Sa kabila nang kumpleto sa players, hindi pa rin nakasisigurong manalo ang Bolts sa Gins at ipinakita ng Kings na kaya nilang manalo at tinalo ang highly favored undefeated Rain or Shine.
Kailangang paalalahanan ni Meralco coach Luigi Trillo ang kanyang mga players na isa puso ang laro at maglaro nang husto para masiguro ang panalo. Ipaparada ni coach Richard del Rosario ang kanyang gunners na sina Nard John Pinto, Sidney Onwubere, Aljon Mariano, Arvin Tolentino, Raymond Aguilar at Prince Caperal.





Comments