Umulan at bumaha man sa Nagoya, Gilas Men sasabak na vs. Bahrain sa Asiad

by Gerard Arce @Sports News | September 10, 2026

Photo: Ang Parade of Uniform ng Filipino athletes upang maipakita ang kulturang Pinoy na inirampa sa PSC house na susuutin sa 20th Asian Games kasabay ng send off para sa mahigit 400 mga atleta na lalahok sa Asiad habang nauna nang dumayo ng Nagoya ang Gilas team. (Reymundo Nillama)
Men’s Basketball preliminaries
Mga laro ngayong araw (Biyernes)
(Aichi International Arena)
10:00 am – China vs Kazakhstan
1:00 pm – Philippines vs Bahrain
4:00 pm – Indonesia vs South Korea
7:00 pm – Saudi Arabia vs Japan
Nagkaaberya pa ang mga akomodasyon sa Asian Games sa Nagoya, Japan nitong Miyerkules. Natigil ang pagsisimula ng ilang event sa Asian meet matapos bumuhos ang malakas na ulan sa Nagoya kaya naman pinalipat sila ng pamahalaan sa ibang bahagi ng lugar.
Ilan sa mga venues ang inulan na inaasahang magpapatuloy ang mga laro, kung saan nakatakda pa namang ganapin ang elimination round ng men’s basketball ngayong araw ang Gilas Pilipinas laban sa Bahrain bandang ala-1:00 ng hapon sa Aichi International Arena.
Walang nakalaang athletes’ village ngayong edisyon para sa Asian Games, sa halip, umasa ang mga tagapag-organisa sa isang cruise ship, mga pansamantalang container na gawa sa kahoy, at mga hotel upang matuluyan ng mga atleta habang nagpayo na ang mga opisyal ng Nagoya Port Authority na lumikas patungo sa ligtas na lugar mula sa Garden Pier area ng lungsod, kung saan matatagpuan ang mga kubong gawa sa kahoy na container.
Gayunman, nakabalik na rin ang mga atleta matapos bawiin ang kautusan sa paglikas makalipas ang humigit-kumulang dalawang oras, habang nasa maayos na ang mga atleta at walang napahamak sa nangyaring pagbaha.
Siniguro pa rin ng organizers, na pawang maliliit na problema lamang ang kinaharap ng kanilang tanggapan, na hindi magreresulta sa mapanganib at peligrong sitwasyon. “There has been limited impact, like rainwater leaking from the roofs of some buildings, but the situation is not so serious that the opening on the 19th is in jeopardy for now,” pahayag ni Nagoya Mayor Ichiro Hirosawa.
“Given the current circumstances, I believe there will be no obstacles to holding the Asian Games.” Inaasahang dadalo ang mahigit sa 17,000 na atleta at opisyales sa Asian Games, na mas malaki pa sa bilang ng kinatawan sa Olympics.
Nakatakdang magpadala ang Pilipinas ng 464 atleta sa 36 sports at aabot sa mahigit 700 delegasyon kasama ang mga opisyales, coaches, medical personnel at staff na naglalayong higitan ang apat na gintong medalya na nakuha sa 2022 Hangzhou Asian meet.





Comments