top of page
Search
  • BULGAR

Umorder sa drive thru, pumalag na pinagbayad… VICE: ENDORSER NA AKO, SINISINGIL PA AKO?!

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | February 18, 2024



Viral sa social media ang video ni Vice Ganda kung saan pabiro siyang nagalit sa staff ng fast food chain na kanyang ine-endorse matapos siyang pagbayarin sa kanyang in-order sa pamamagitan ng drive thru.


Sa kanyang latest vlog ay makikitang umorder ng pagkain ang It's Showtime host sa nasabing fast food chain. Matapos niyang umorder ay nag-proceed na siya sa cashier sa drive-thru window para bayaran ang mga pagkain na kanyang inorder.


Bagama't nakilala siya ng crew, siningil pa rin si Vice kaya pabirong nagalit ang komedyante at tinanong kung bakit daw siya sinisingil, eh, siya ang endorser?


"Ako ang endorser ng McDonald’s, sinisingil n'yo ‘ko? ’Di ba dapat, libre na ‘ko?” pabirong hirit ni Vice Ganda.


Natameme ang staff at 'di malaman ang isasagot kaya't sa puntong ito, nilinaw ng Unkabogable Superstar na biro lamang ito at saka nagbayad na siya ng eksaktong amount.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page