top of page

Umeksena pa ang girian ng Taiwan at China

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2022
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 6, 2022


UMIINIT nang todo ang girian ng Taiwan at Mainland China.


Naka-full alert ang Taiwan Air Force at mga barko de-giyera dahil pumasok na sa kanilang air space ang mga jet fighter ng China.


◘◘◘


NAKAPALIBOT naman sa Taiwan strait ang limang barko de-giyera ng US.


Kinumpirma ng US na direktang sasaklolohan nila ang Taiwan kung sakaling salakayin ng Mainland China.


Walang duda, sakaling magkagulo, madadamay ang Pilipinas, lalo na ang Northern Luzon.


◘◘◘


KUMPIRMADO nang dumaranas ng recession o pagkabangkarote ang mga negosyo sa Europe, partikular sa Germany at Britain.


Hindi malinaw kung kailan matatapos ang aktwal na krisis na sanhi ng embargo kontra Russia.


◘◘◘


MARAMI nagdaang puta-putaking giyera, tulad sa pagkubkob ng US sa Afghanistan, Iraq at Libya pero hindi nagkakaroon ng krisis.


Pero, nang pasukin ng Russia ang Ukraine ay nagkaroon ng krisis.

Ito kay ay bunga ng embargo kontra Russia.


◘◘◘


MARAMI ang natutuwa sa mga itinalaga ni Pangulong Marcos, Jr. sa gobyerno.


Masasabi nating sinala ito nang todo at masinop na sinuri ng screening committee.


◘◘◘


MAY natanggap tayong ulat na maraming rekomendasyon at nominasyon ang natatanggap ng Palasyo pero, may mga ilang binasted.


Kabilang sa binasted ay ang rekomendasyon ng alyas Prudente.


◘◘◘


LUMABAS sa ilang ulat na nagpapakilalang power broker ang grupo ni Prudente, kung saan ay nagso-solicit sa panahon ng kampanya.


Pero dahil nabisto ang modus, binasted ng screening committee ang mga rekomendasyon dahil ang ilang mga personalidad dito ay mga dating opisyal ng gobyerno na nagkaroon ng mga kaso.


◘◘◘


DAHIL sa galit at pagkapurdoy, naglatag ng black propaganda ang grupo laban kay Executive Secretary Vic Rodriguez.


Isang Chinese businessman kasi ang pumalag nang makapagbigay ng P50 milyon pero hindi naman siya nabigyan ng ipinangakong proyekto.


◘◘◘


IN fairness, wala tayong malinaw na impormasyon kung nakapag-entrega ba o hindi sa UniTeam ang nagpapakilalang “power broker”.


Isa ang malinaw, tinangka nito na makopo ang ilang "juicy positions" sa Bureau of Customs, BIR at LTO pero basted.

◘◘◘


SANA naman ay hindi nagsasagawa ng “below-the-belt” ang mga propagandistang hindi napapaboran ng mga desisyon ng Palasyo.


Mas mainam ay makipagtulungan sila sa bagong Administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page