top of page
Gary V. - IG.jpg

Umapela sa mga concert goers… GARY V., AGREE NA ‘DI DAPAT I-RECORD AT I-POST ANG BUONG CONCERT NG MGA ARTISTS

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly| September 11, 2026



Gary V. - IG

Photo: Gary V. - IG



Hindi rin pabor si Gary Valenciano sa pag-upload sa online ng full concert  performance ng isang artist. In fact, madalas nga raw siyang nagiging biktima ng ganitong practice na talamak na talamak na ngayon.


“May mga concerts ako na kung saan, may phones na ‘yung tao, pero walang ina-upload na buong performance. Ngayon kasi buo, eh. Pati ‘yung ginawa ko sa States, buo, as in the whole show! And it really takes a lot to put a concert together,” pahayag ni Mr. Pure Energy sa mediacon na ginanap recently for his upcoming concert, Back at the Museum.


Gary will be having a 10-night show at the Music Museum on October 1, 3, 8, 10, 15, 17, 22, 24, 29 and 31 and he can only wish na huwag namang gawin ng mga netizens na i-upload ang buong concert sa internet especially ‘yung mga unang makakapanood.


“I would encourage you, if you write anything about this series, let people know, just don't post. If you want to post, maybe a portion of the song, fine. But the whole show, ah. . .” sey niya sabay-iling.


Good thing, maliit lang ang Music Museum at makikita raw niya kung sinu-sino ang magre-record.


“The thing is, I'm at the Music Museum, and I can see who's recording. So, I can actually come up to the person and say, 'Hey!' So, I just don't want to put people on the spot, you know, but it really is the wrong thing to do,” pahayag ng OPM icon.


Hopefully nga raw ay magkaroon ng kaukulang aksiyon sa bagay na ito in the near future.


“Do not take the whole concert and post it. That's what I feel about it. Hopefully nobody does it,” sey pa niya.


Matatandaang nauna nang pumalag ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño sa mga concert goers na nagpo-post ng full concert performance ng mga artists.


Samantala, makakasama ni Gary bilang special guest sa Back at The Museum ang singer-songwriter na si Kakie, formerly known professionally as Frankie Pangilinan. Ang anak naman niyang si Paolo Valenciano ang magdidirek, with Mon Faustino as musical director. 





‘Di pa raw sure kung tatakbo pa uli…

YUL, INIYAKAN ANG PAGKATALONG VICE-MAYOR SA MAYNILA 



MATAPOS na hindi palarin sa kanyang kandidatura nitong nakaraang 2025 midterm elections, nagbabalik-showbiz na ang former Manila vice-mayor at award-winning actor na si Yul Servo.


Comeback project niya nga ang Lav Diaz’ film na Makikiraan Po (Let Us Through, Dear Ancestors) kasama sina Christian Bables at Ronnie Lazaro.


Nakatakdang mag-premiere ang naturang pelikula sa 83rd Venice International Film Festival. 


Kaya sobrang happy ang aktor na sa muling pagbabalik niya ay pang-international pa ang kanyang pelikula.


“Siyempre, tuwang-tuwa talaga ako sa pangyayaring ito. Actually nga, hindi ko naman iniisip na pang-international ito, eh. Hindi ko pa alam noong una, tapos bandang huli ay sinabi nga ni Direk Lav na target niyang isali ito sa Venice International Film Festival,” sey niya.


Aminado si Yul na nanibago siya sa muling pagharap sa camera at feeling daw niya ay para siyang bumalik sa panahong nagsisimula siya at ginagawa ang Batang West Side noong 2001 na si Lav din ang direktor.


"Ngayon, parang ganoon ulit ang nangyayari noong baguhan pa lang ako, na nagsisimula pa lang sa showbiz. Kaya sobrang thankful talaga ako sa project na ito at kay Direk Lav,” aniya.


Sa Batang West Side ay nanalong Best Actor si Yul sa dalawang international filmfests – sa CineManila International Film Festival at sa Brussels Independent Film Festival.


Pinuri at kinilala rin si Yul sa Naglalayag at Torotot (Destierro) sa international scene, na nagbigay sa kanya ng Best Actor awards sa Brussels Independent Film Festival noong 2004 at 2008, respectively.


Bukod sa pag-arte, ang isa pang pinagkakaabalahan ni Yul ngayon ay ang kanyang mga artworks. He creates contemporary metal artwork featuring 3D aerial maps, architectural motifs, and abstract urban landscapes. 


Ang mga obra ni Yul ay makikita next month sa Vienna, Austria, sa isang group exhibition para sa international audiences. 


Inamin din ng aktor na labis siyang nasaktan nang matalo siya sa kanyang vice-mayoralty bid in Manila last year at ilang araw din daw niya itong iniyakan.

Hindi niya pa alam kung tatakbo siyang muli sa susunod na eleksiyon but in the meantime, dito muna sa showbiz at sa kanyang artworks ang focus niya. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page