Umaming nakikipag-one-night stand… MADLANG PIPOL KAY HEART: MISIS KA PA NAMAN NG SENADOR, ANG CHEAP!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 21, 2022

Shocked ang ilang konserbatibong grupo sa latest statement ni Heart Evangelista na lahat ng guys na kanyang nakaka-one-night stand noong kanyang younger days ay kanyang nakakarelasyon.
Para sa iba, ang cheap-cheap naman ng dating ng ganu'ng pahayag ni Heart lalo na't maybahay siya ng senador na si Chiz Escudero.
Sa mundo kasi ng showbiz, may ibang pakahulugan ang “one-night stand”. Parang ang bilis-bilis naman daw bumigay ni Heart sa tipo niyang guys.
Ang ibig ba niyang sabihin ay walang ligawang nagaganap sa mga lalaking kanyang nakakarelasyon? Na pagkatapos lang na magkakilala at maka-one-night stand ay seryoso na ang kanilang relasyon?
Ganito kaya ang naging experience ni Heart sa mga aktor na na-link sa kanya noon tulad nina John Prats, John Estrada at Jericho Rosales?
Pansin din ng mga netizens, mahilig pala si Heart sa mga lalaking letter “J” ang simula ng name. Pero, nang mag-mature naman si Heart, dumating sa buhay niya si Sen, Chiz Escudero. Marami siyang natutunan sa matalinong senador. Tinuruan siyang mag-manage ng kanyang finances.





Comments