Umaming nag-online gaming… HEAVEN, TUMAYA NG P300, NANALO NG P5K
- BULGAR

- Aug 23, 2025
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 23, 2025

Photo: Heaven Peralejo - IG
Matagal na palang dream ni Heaven Peralejo na makatrabaho si Vic Sotto, kaya naman nang malaman niyang makakasama niya ito sa isang endorsement ay na-excite siya.
Si Heaven ang pinakabagong brand endorser ng PlayTime, the country’s most innovative online entertainment and gaming platform.
Opisyal siyang ipinakilala sa mediacon last Thursday sa Grand Hyatt Hotel, BGC.
Ka-join na ni Heaven si Bossing Vic na naunang naging brand ambassador.
Bagama’t hindi pa raw sila nagkakasama ni Bossing Vic sa movie or TV shows, ayon kay Heaven ay masaya na rin siya na makatrabaho ito sa endorsement.
“S’yempre, honored po ako. Bata pa lang ako, Bossing Vic na s’ya. And so, alam mo ‘yun, it’s a dream of mine to work with him. And now, I’m a part of this family, sobrang nakakatuwa po, nakakataba ng puso,” sey ni Heaven sa mediacon.
Ni hindi pa nga raw niya nami-meet in person si Bossing Vic at looking forward na siya na makasama ito sa promo. Sana nga raw, pelikula na with him ang susunod.
Aminado rin si Heaven na naglalaro siya ng online games sa PlayTime just to relax and have fun. Nang tanungin kung nananalo ba siya, kuwento ng aktres, “May time na nag-bet ako, I think mga P300 and I won mga P5,000. Very lucky kumbaga. And nakuha ko s’ya within 10 minutes. Naka-withdraw ako within 10 minutes.”
Pero ipinaalala rin ni Heaven sa lahat ang responsible gaming.
“PlayTime is about balance, knowing when to enjoy and when to pause. We believe gaming should be a source of entertainment, but always within the bounds of personal responsibility. That means recognizing limits, setting healthy boundaries, and making space to disconnect when needed. It’s a value I personally embrace as well: reminding myself that while gaming is fun, it’s just as important to step back, breathe, and be present offline,” pahayag ng aktres.
Dagdag pa niya, “It’s okay to take breaks, to find happiness in small things, and that play, done right—is healthy. I also want to remind everyone that even online, you can be empowered, respectful, and responsible.”
MAGBABALIK-TELESERYE na ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo matapos ang opisyal na anunsiyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ngayong araw (Agosto 22).
Magsisilbing reunion project din ito ni Kathryn sa Dreamscape Entertainment pagkalipas ng 15 taon. Ang naturang production unit ang nasa likod ng Mara Clara (MC), isa sa pinakatumatak na teleserye ni Kathryn na umere noong 2010.
Inanunsiyo ang inaabangang teleserye comeback ni Kathryn sa pamamagitan ng isang video sa social media kung saan nagpa-hair and make-up ang aktres para sa isang photoshoot.
Ang huling Kapamilya teleserye ni Kathryn ay ang romantic-comedy na 2 Good 2 Be True (2G2BT) noong 2022. Bumida rin siya sa big screen sa Hello, Love, Again (HLA) at kamakailan ay nagsilbi siya bilang isa sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent (PGT).
Abangan ang susunod na mga anunsiyo tungkol sa pagbabalik-serye ni Kathryn Bernardo.





Comments