top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Umaming may relasyon kay Julia…

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2021
3 min read

HIRIT NG NETIZENS: GERALD, TODO-PALUSOT PA SA PANLOLOKO KAY BEA, GUILTY NAMAN

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 7, 2021





Samu't saring reaksiyon ng mga netizens ang nabasa namin sa social media kaugnay ng naging pag-amin ni Gerald Anderson sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa relasyon nila ngayon ni Julia Barretto at sa nakaraang hiwalayan nila ni Bea Alonzo.


Itinanggi ni Gerald sa naturang panayam na ghinosting niya si Bea, habang inamin naman niyang "very happy" siya ngayon kay Julia.


Heto ang komento ng mga netizens…


“Pa'no kung kunwari, matagal nang nag-i-initiate ng breakup si Gerald kaso ayaw ni Bea? So, he just chose to walk away instead? Ghosting pa rin ba 'yun? Cheating pa rin ba 'yun? I think Julia became a ticket for Gerald to finally get away from Bea, and 'yun ang hindi matanggap ni Bea. May cheating na nangyari siguro, pero minsan talaga, kahit gaano mo kagusto mag-work, 'pag ayaw na, ayaw na. Plus their movie did really show good chemistry kaya feeling ko, simula pa lang, may something na! Halata, eh....”


“Halos kaparehas ng breakup nila 'yung breakup nina Gerald at Kim (Chiu). Puro bad breakup.”


"And ang napili niyang way is to cheat? Puwede naman siyang makipag-break nang maayos kung ayaw na niya. 'Yan ba lagi ang reason ng mga manloloko. 'Kaloka, ang mema mo d'yan.”


“Parang nu'ng time na sinurprise ni Bea ng birthday party si Gerald, 'di ba, tagal na ring nababalita na nagkakalabuan na sila? Bakit n'yo ba kasi ine-expect na lahat ng tao, eh, mabait? Kung ganyan ugali ni Gerald, problema na ng mga girls 'yun na pumapatol sa kanya, 'di ba?


“Kaya naging toxic sila ni B, dahil nakahanap na ng next target.”


“Bad breakup kasi ayaw kumawala ng babae. Kita naman ang ka-bitter-an na kahit may kapalit na, bitter pa rin. Bakit mo ipipilit ang isang relasyon na hundi ka na masaya, lalo kung toxic ang babae o lalaki? Might as well, tapusin na hangga't maaga. Pareho namang single kaya karapatan nila ang magbago ng isip kahit ano pa ang dahilan. Mag-asawa nga, naghihiwalay, eh, di mas lalo ang bf-GF pa lang.”


“Ganyan din kaya ang feeling niya nu'ng sila ni Kim at naging sila ni Bea? May habit talaga 'yang si Gerald na 'di maganda. 'Pag nakakita ng iba, wala siyang pakialam kahit sino'ng masaktan niya, basta gagawin niya kung ano'ng gusto niya. Sana, 'di magaya 'yung sa kanila ni Julia sa mga ginawa niya sa past GFs niya.”


Ang ibang netizens ay idinamay ang mga taong nakapaligid kay Bea. Ang mga ito raw ang nagpapakalat tungkol sa ghosting.


“Why do I feel that Bea is manipulative who manipulated her friends to take her side and post about ghosting stuff?

Sorry guys, galing ako sa mundo nila. This woman is not really nice.”


“Lahat ng ex-GF ni Budoy, nahantong sa BAD breakup. His reputation precedes him. Duh?”


“Aamin na. Ipinaubaya na, eh.”


“It took him 2 yrs. to talk his side.”


“Sorry Gerald, hindi na ikaw ang pinaka-controversial. May umagaw na sa trono mo! Pasalamat ka kina Derek at Ellen!”


May nagbiro namang, “Younger brother ata ito ni D. Isa pa 'tong hindi gentleman.”


“Paliguy-ligoy pa. Todo-deny pa dati. Inaway pa talaga si Bea. Gerald referring to their relationship as toxic, excuses! Hindi rin niya inamin nang diretsahan if they actually broke up."


“Tama! Excuses na lang 'yun. Ganu'n naman kapag nakahanap ka ng iba. Lahat ng mali, makikita mo ru'n sa tao, sa relasyon n'yo, kasi gusto mong i-justify ginawa mo.”


“'Di ko tinapos ang video. Cringy panoorin ni Gerald, not real ang emotion for me. Boy (Abunda) was directing the conversation na gusto, parating good boy 'yung isa.”


"Same na same. Ang fake lang ng emotions, lol. And tumanda rin ang face niya, ha?"


“Oh, di umamin ka rin. Kaloka, tapos siniraan mo pa si Bea na toxic, parang wala kayong magandang pinagsamahan, ah?”


Sobrang dami ng comments ng mga netizens na halos lahat ay pabor kay Bea.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page