Umamin sa pagkakamali, Angel, pero… MAXENE, 'WA PAKI SA MGA NAGKAKALAT NA NABUNTIS SIYA NI NEIL
- BULGAR
- Nov 19, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 19, 2022

May series of post si Maxene Magalona sa kanyang Instagram account matapos masangkot ang pangalan niya sa diumano'y hiwalayan ng celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce.
Kumalat kasi sa social media na hindi na raw nagsasama ang aktres at si Neil dahil may nabuntis diumanong babae ang huli, na ang tinutukoy ay si Maxene na ex-GF ni Neil.
Sa unang post ng anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, may statement du'n na wala raw obligasyon ang isang tao na mag-explain sa iba lalo't hindi naman daw tinatanggap ang mga apologies dahil may ilang tao na ayaw itong intindihin.
Sa isa pang post, Maxene highlighted that not everything needs to have a reaction.
Sa kanyang next IG Story, she talked about being kind but there is a certain limitation.
Ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan siya ay nagme-meditate.
Nilagyan niya ito ng caption na: “When you’re truly at peace and in touch with yourself, nothing anyone says or does bothers you and no negativity can touch you.”
Naka-deactivate ang comment section ng kanyang Instagram page.
Samantala, may pag-amin naman si Maxene na she's committing mistakes but she is not a mistake.
“I completely understand that I am only human and that I will make mistakes one way or another in this lifetime,” aniya.
Ano kaya ang tinutukoy dito ni Maxene?





Comments