Umamin kay Boy na lights-off ang gusto… JANELLA AT KLEA, AMINADONG PAREHONG MAHAROT SA ISA’T ISA
- BULGAR

- Jun 13
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 13, 2026

Photo: IG _superjanella
Happy para kina Janella at Klea…
JASMINE: NORMAL LANG ANG SAME-SEX RELATIONSHIP
“Love is really understanding and finding someone who’s worth the pain and lessons,” ito ang sagot ni Janella Salvador sa tanong sa kanya ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) host kung ano ang love para sa kanya.
Guest ang 4 na bida ng pelikulang Open Endings (OE) na sina Jasmine Curtis-Smith, Leanne Mamonong, Klea Pineda at Janella sa nasabing programa ni Kuya Boy Abunda kamakailan.
“Wow! Iba-ibang perspektibo talaga,” sabi ng host.
Para kay Klea, “Romantic love para sa akin, nakakalma ‘yung sistema mo ‘pag kasama mo s’ya, napapahinga ‘yung ingay sa isip mo ‘pag kasama mo s’ya, ‘yung nararamdaman mo na, ‘Ah, ito. Tahanan ko ‘to.’”
Para naman kay Jasmine, “Love is constantly choosing each other every day despite any hurt, no matter how difficult the outside world or dito sa loob ng relationship.”
“Surrender, really ready to give up part of yourself, if not all of it, for it to work,” sey naman ni Leanne.
Ito naman ang reaksiyon ni Klea pagdating sa queer relationship.
“Siguro, pareho lang naman, Tito Boy. Siguro sa challenges lang kasi takot tayo sa judgments, takot tayo sa masasabi ng mga tao, pero pagdating sa pag-ibig, parehas lang naman,” opinyon ng Kapuso actress.
At si Janella, sa buhay niya ay muli niyang sinabing, “Tahanan o home, nakakalma n’ya lahat ng ingay sa isip ko. ‘Yun s’ya sa akin.”
Hiningan naman ng reaksiyon ang Kapamilya actress kung ano si Klea sa buhay niya.
Sey ni Janella, “My favorite gay! And hopefully, someone who will stay!”
Dinig ang ingay sa studio na napabilib sila sa pagtitinginan nina Klea at Janella.
Dagdag pa ng Sparkle artist, “Nandito kami para sa isa’t isa palagi. Marami akong natutunan sobra kay Janella na ‘di ko ine-expect na, ‘Ah, ganito pala dapat.’”
At sabi naman ni Janella, “I feel like we’re both at the point in our lives wherein we’ve matured and we really want to apply all the lessons that we’ve learned from our past to whatever we have now.”
Samantala, natanong si Jasmine kung gaano siya kasaya para sa mga queer friends niya.
“I’m very happy, Tito Boy. I think it’s such an important thing na makita rin ng mga madla na it’s normal to have same-sex relationship. Happy na umabot tayo na we’re discussing on national TV same-sex relationship. Nakaka-proud din that people can be proud as well,” sagot ng aktres.
Dagdag naman ni Leanne, “I’m just happy for everyone, Tito Boy.”
Sa Fast Talk kina Janella Salvador at Klea Pineda ay inamin ng dalawa na pareho silang clingy at maharot sa isa’t isa.
At nakakaramdam ng sexiness si Klea kapag, “Tinititigan n’ya (Janella) ako,” sabay titig sa
kanya ng aktres.
Well, parehong ‘happiness’ at ‘lights-off’ ang pinili ng dalawa sa tanong sa kanila ni Tito Boy.
AKTRES, NAKITA NANG NAHULOG SA HAGDAN ANG FAN KAKA-VIDEO SA KANYA, PINAGTAWANAN PA
BLIND ITEM:
NALOKA ang mga nakakita sa aktres dahil hindi man lang siya nagpakita ng concern nang makita niyang may nahulog na fan o supporter sa hagdanan para lang kunan sila ng video ng leading man niya sa pelikula.
Natawa pa raw ang aktres nang makita niya ang pagkakahulog sa hagdanan ng fan, pero ang leading man nito ay nag-alala at kaagad na lumapit para tanungin kung kumusta at ano ang pakiramdam ng nahulog.
Parang na-off naman kami sa aktres dahil nakita na niyang nahulog ang isang fan nila ay natawa pa, imbes na mag-alala o kumustahin man lang.
Kaya pala may ilang taga-production ang nagsabi sa amin na hindi nila type ang aktres dahil kakaiba. Wala namang binanggit kung ano iyon.





Comments