Umamin kay Boy… DENNIS, MAY AKTOR NA MUNTIK MAKASUNTUKAN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 13, 2026

Photo: IG _dennistrillo
Umamin si Dennis Trillo na takot sa misis niyang si Jennylyn Mercado sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Unang tanong ni Boy, “Yes or no, may role ka na pinagsisihan?”
“Meron,” sagot ni Dennis.
Sinundan ito ng tanong, “Yes or no, naging laman ka na ng blind item?”
“Yes,” mabilis na sagot ng aktor.
Tinanong din siya ni Boy, “Yes or no, may aktor na muntik mong makasuntukan?”
“Yes,” sagot ni Dennis.
Pero ang pinakanagpakilig at nakatawag-pansin sa mga manonood ay ang huling tanong ni Boy, “Yes or no, takot kay Jen?”
Hindi na nagpaliguy-ligoy si Dennis at sumagot ng, “Yes.”
Well, biro man o seryosong pag-amin, sure si yours truly na maraming netizens ang matutuwa sa rebelasyong ito tungkol sa mag-asawang Dennis at Jennylyn.
Sa panayam, napag-usapan din ang panganay na anak ni Dennis sa dating beauty queen at modelo na si Carlene Aguilar na si Calix.
Ayon kay Dennis, interesado rin ang kanyang anak na sundan ang kanyang yapak sa pag-aartista.
Bagama’t kasalukuyang varsity fencer si Calix sa University of the Philippines (UP), nagtatanong na rin umano ito tungkol sa pagdalo sa acting workshops at pagkuha ng voice lessons.
Samantala, nang tanungin ni Boy Abunda kung kumusta siya bilang ama, ibinahagi ni Dennis na mas nakatuon na siya ngayon sa pagiging isang ama at asawa.
“Actually, nu’ng isang gabi, naiisip ko na parang part-time actor na lang ako. Mas full-time na ama at asawa kasi feeling ko, mas du’n ako naka-focus talaga ngayon—sa pagiging tatay at asawa, sa pag-provide at pagsuporta sa kanilang lahat,” saad ni Dennis.
Nang tanungin naman kung ano ang nag-trigger sa pagbabagong ito, sinabi ni Dennis na nagbabago ang prayoridad ng isang tao habang siya ay nagma-mature.
“Siguro po, habang nagma-mature ka, nag-iiba ‘yung mga priorities mo. Nag-iiba ‘yung mga source ng kaligayahan mo. So, ‘yun ‘yung nag-iba,” ani Dennis.
Nang tanungin naman ni Boy kung interesado rin si Calix na pasukin ang mundo ng showbiz, kinumpirma ito ni Dennis.
“Gusto rin po. Gusto n’ya, ah. Mahilig din s’ya ngayon. Tinatanong n’ya kung puwede raw s’yang mag-workshop at mag-voice lessons. Sabi ko, ‘Sige, gawin natin ‘yan ‘pag wala kang school.’ Ako mismo, magwo-workshop sa kanya,” pahayag niya.
In fairness kay Dennis, kitang-kita kung gaano siya kabuting ama at asawa. Pak, tumpak!
Out sa show ng Sexbomb sa Abu Dhabi…
“BUHAY PA PO AKO” — AIRA
TODO-PALIWANAG ang aktres-dancer na si Aira Bermudez sa kanyang social media post tungkol sa kanyang hindi pagdalo sa SexBomb Girls’ live performance sa Etihad Arena sa Abu Dhabi noong August 8, 2026.
Sa kanyang post, sinabi ni Aira na kinailangan niyang umuwi sa Adelaide dahil sa isang urgent personal matter, dahilan para hindi siya makasama sa naturang show.
Aniya, “Para sa lahat ng nagtatanong at nag-aalala kung bakit ‘di ako nakasama sa aming Abu Dhabi show, buhay pa po ako! I had to fly back home to Adelaide to attend to an urgent personal matter, kaya unfortunately, hindi ako nakasama sa show.
“Sobrang nanghihinayang ako dahil napakalaking milestone nito para sa Sexbomb. The first Filipino act to perform at the iconic Etihad Arena! Kaya masakit talaga na ‘di ko nakasama ang mga sisters ko sa stage.
“Pero don’t worry, ginagawa ko na ang lahat para makabalik at makasama kayo sa mga susunod na ganap. ‘Di pa ako tapos sa inyo.
“Thank you so much sa lahat ng nag-message, nag-alala, at umunawa. Mahal ko kayo!”
In fairness, successful ang naganap na live performance. Congratulations, Sexbomb Girls!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments