top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Umabot na sa 2-M ang COVID-19, pero puring-puri pa rin si Duque

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 05, 2021



SA SINGAPORE, KAUNTI LANG ANG NAGKA-VIRUS PERO HINDI PINUPURI ANG HEALTH MINISTER, PERO SA ‘PINAS, MAHIGIT 2-M NA ANG NAGKA-COVID PERO KAPURI-PURI RAW SI DUQUE—Kung kasing galing si Duque ng health minister ng Singapore na si Dr. Ong Ye Kung, puwede siyang purihin.


Sa Singapore ay 68, 210 lang ang nagka-COVID, 55 ang namatay, at 1,787 na lang ang active cases, pero sa kabila ng kaunti lang ang tinatamaan sa kanila ng virus ay hindi pinupuri ni Prime Minister Lee Hsien Loong ang kanyang prime minister, pero si P-Duterte, 2-M Pinoy ang nadale ng COVID-19 at 33,873 na ang namatay, pero todo-puri kay Duque.


Bakit Singapore ang ginawa nating halimbawa sa isyung ‘to? Feeling kasi ng mga DDS ay ala-Singapore na ang Pilipinas, boom!


◘◘◘


DAHIL SA KAPABAYAAN NG GOV’T. KAYA NALAGAY SA BINGIT NG KAMATAYAN AT GUMASTOS ANG 1.8-M PINOY NA GUMALING SA COVID, TAPOS TODO-PURI PA SI P-DUTERTE KAY DUQUE—Sa post sa social media ng ilan sa mga gumaling sa COVID-19, ang sabi nila ay sobrang hirap ang kanilang naramdaman, takot dahil akala nila ay mamamatay na sila, mental distress at ngayong magaling na sila sa pangamba na tamaan ulit sila ng virus at ang laki ng nagastos nila sa ospital.


Ganyan ang naranasan ng ating mga kababayang gumaling sa COVID-19, hirap at gastos, nangyari sa kanila ang ganyan dahil sa kapabayaan ng Duterte gov’t. sa laban sa COVID-19, tapos si P-Duterte todo-puri pa sa kanyang health secretary, pwe!


◘◘◘


HINDI LANG PAGPURI NI P-DUTERTE KAY DUQUE ANG NAKAKABUWISIT, PATI SURVEY NG PULSE ASIA, PUBLICUS AT OCTA—Hindi lang ang pagpuri ni P-Duterte kay Duque ang nakakabuwisit, kundi pati ang mga inilalabas na survey ng Pulse Asia, Publicus Asia at OCTA Research Group na kesyo mahusay ang response ng Duterte gov’t. sa COVID-19.


Mantakin n’yo, pumalo na sa higit 2-M Pinoy nagka-virus, higit 33-K na namatay, 158,994 active cases, punuan na mga ospital sa mga COVID-19 patients, tapos inuunggoy pa ng tatlong survey firms ang mga Pilipino na sobrang galing ang Duterte gov’t. sa laban kontra virus, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page