top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

UK, France at Germany, pinagkaisahan ang China sa pang-aagaw sa Spartly Isands

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 20, 2020



Sarado ang sementeryo ngayong Undas.


Nalintikan na, pati ang nananahimik na buto ng bangkay na-quarantine pa!


◘◘◘


P20-B ang badyet sa COVID-19 vaccine.


Buhay na buhay ang multi-national drug manufacturers at distributors!


◘◘◘


Inupakan ng United Kingdom, France at Germany ang China sa pang-aagaw sa Spratly Island.


‘Yan na ang Big 3 kontra Beijing!


◘◘◘


Gumagrabe nang gumagrabe ang away sa West Philippine Sea.


Sa ayaw o sa gusto ni P-Digong, magiging battle ground ang Pilipinas!


◘◘◘


Isang international issue ang 2022 presidential election.


Nakataya rito ang kahihiyan ng China, US at Europe!


◘◘◘


Kapag natapos ang eleksiyon, mas malamang ay giyera ang kauuwian.


Kaawa-awang mga Pinoy!


◘◘◘


Nangingilam na naman ang Europe sa Pilipinas.


Talagang kerida sila ng Kano!


◘◘◘


Pinipigil ang pagdayo sa Tagaytay.


Inggit lang ang Baguio!


◘◘◘


Mahalagang makabalik sa normal.


Kakarampot naman ang namamatay sa COVID.


Mas marami ang namamatay sa “stress”—‘yan ang bagong pandemya!


◘◘◘


Mas gusto ng gobyerno na magdikit-dikit sa bahay at barangay ang populasyon imbes na palayain at ikalat ang bilang sa mga resort at dalampasigan.


Hindi nila nauunawaan ang kahulugan ng “social distancing”.


Inaakala nilang sa “outside home” lamang ang social distancing.


Mahirap talaga ang “walang alam”!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page