Ugas, anumang taon o petsa handa para sa Pacman rematch
- BULGAR
- Aug 26, 2021
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | August 26, 2021

Sakaling mapag-isipan muli ng nag-iisang eight-division World champion na si Manny “Pacman” Pacquiao na magbalik sa pakikipaglaban at ipaghiganti ang kanyang ika-walong pagkatalo, inamin ng WBA Super-World welterweight titlist na si Yordenis “54 Milagros” Ugas na bibigyan niya ito ng pagkakataon sa isang rematch.
Maliwanag na ibinulalas ng 35-anyos na Cuban boxer ang kanyang mensahe sa future professional boxing Hall of Famer na malaki ang pasasalamat na nabigyan ito ng tsansa na makalaban sa ibabaw ng ring, kung saan marami ang nagnanais na mangyari ng ibang mga boksingero.
“Two-hundred percent,” saad ni Ugas sa ginanap na post-fight press conference matapos ang kanilang laban sa T-Mobile Arena noong Linggo ng umaga. “You know, Manny’s a great legend, great fighter. You know, if he wants a rematch, no question about it. You know, a legend like that deserves it.”
“I wanna thank Manny Pacquiao for sharing the ring with me. He’s a great legend, one of the greatest fighters that ever lived. So, I’m always gonna respect him. I’m always gonna look up to him because not only is he a great fighter, he’s a great human being and a class act.”
Kaakibat ng naganap na laban sa pagitan nina Pacquiao (62-8-2, 39KOs) at Ugas (27-4, 12 KOs), kasama rito ang isang ‘rematch clause’ sa kanilang kontrata, sakaling tanggapin nito ang alok ng dating 2008 Beijing Olympics bronze medalist. Nakatakdang pag-aralan pa umano ni Pacquiao, na naglilingkod rin bilang Senador ng Pilipinas, ang susunod na magiging desisyon nito sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa bansa sa 2022.
“I will make a final announcement next month and I know that I’m facing big problem and more difficult works other than boxing, but I want to help the people, I want to help them,” wika ni Pacman. “I am a fighter inside and outside the ring. And I look forward to getting back to the Philippines and serving the Filipino people as this pandemic continues to affect millions in the Philippines.”





Comments