Ugali ng aktor, 'di masikmura… JOHN, INIWAN NA NG MGA KAIBIGANG TUMUTULONG
- BULGAR

- Aug 16, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 16, 2020

Tuluyan nang sumuko ang mga taong tumutulong at nagmamalasakit sa aktor na si John Regala. Nagpumilit kasi ito na lumabas na ng ospital kahit hindi pa magaling sa sakit. Walang nagawa sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus at Aster Amoyo sa naging desisyon ni John.
Pati na ang kinuhang caregiver para sa aktor ay umayaw na rin dahil hindi nakatiis sa ugali ni John.
Well, may hangganan din naman ang pagtulong sa kapwa. Paano kung ang mismong taong tutulungan ay ayaw tulungan ang sarili?
Nagpahayag naman ang comedian-host na si Jon Santos ng intensiyon na ampunin si John Regala. Siya lang daw ang nakakaintindi sa ugali nito kaya gusto niyang damayan.
Challenge accepted ba, Nadia at Ms. Aster?





Comments