top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

UCFC vs. Maharlika: Noypi at imports, antabayanan

BULGAR
Mar 24, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 24, 2022




Kahit wala na ang kanilang pinakamalaking bituin, nananatiling mabigat na paborito ang United City Football Club sa una nilang sabak ngayong Huwebes sa 2022 Copa Paulino Alcantara. Magbubukas ang UCFC ng bagong kabanata na wala si kapitan Stephan Schrock kontra sa ganadong Maharlika Manila FC sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite simula 5 p.m.


Galing ang Maharlika sa 2-1 panalo sa Mendiola 1991 FC noong Lunes kung saan tinapos ang mainitang laban na 10 na lang ang manlalaro. Pinalabas si Michael Joseph Libre sa ika-42 minuto bunga ng dalawang yellow card para sa hiwalay na malakas na foul kay Jimson Crestal at Franco dela Torre.


Sinamantala ng Mendiola ang kanilang lamang sa tauhan at nakaunang goal si kapitan Jim Ashley Flores para sa Mendiola sa ika-44 minuto. Saglit lang ang kasiyahan at itinabla ni reserba Gino Carino sa ika-50 minuto at sinundan ng nagpapanalong goal ng kapatid na si Miggy Clarino sa ika-77 minuto.


Nagkasundo ang UCFC at si Schrock na wakasan ng maaga ang kontrata subalit tiniyak ng koponan na magiging palaban pa rin sila. Magbabalik para sa kampeon ng 2020 Philippines Football League (PFL) sina Mark Hartmann, Hikaru Minegishi, Mike Ott, Curt Dizon, Anthony Pinthus, Jun Badelic, Pocholo Bugas, Andy Campollo Esswein, William Grierson, Kieran Hayes, Jordan Jarvis. Adam Reed at Arnie Pasinabo subalit ang mga bagong pirma ang pumukaw sa mga tagahanga.


Nagbago ang lahat ng kanilang mga banyagang manlalaro at dumating sina Alan Robertson ng Timog Aprika, Sam Junior ng Cameroon, Amirbek Juraboev ng Tajikistan at goalkeeper Matt Silva ng Canada habang lumipat galing Dynamic Herb Cebu FC si Ricardo Sendra ng Argentina. Mamumuhunan din ang UCFC sa mga kabataang Pinoy at ikinuha sina Mat Custodio, Dean Ebarle, Pete Forrosuelo, Simen Lyngbo, Ivan Ouano at Paolo Salenga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page