top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

UB ng Serbia at Brex Japan, sakalam vs. Noypi sa FIBA 3X3

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 24, 2023



Hindi pinalad ang Manila Chooks at hindi nila naipagtanggol ang bansa sa pagsalakay ng mga banyagang koponan sa FIBA 3x3 World Tour Manila Masters noong Sabado at Linggo sa Glorietta Activity Center sa Makati City.


Lumuhod ang mga Pinoy sa numero unong koponan sa mundo na Ub Huishan NE ng Serbia, 9-20, at sinundan ng 18-22 pagkabigo sa Utsunomiya Brex ng Japan at magpaalam ng maaga sa Grupo A.


Patuloy na ipinakita ng Ub na sila ang boss ng 3x3 at mas maraming puntos mag-isa si Marko Brankovic na 13 kumpara sa buong Manila. Umarangkada agad ang mga Serbian, 9-0, sa likod ng bagong manlalaro Liu Yu Xuan ng Tsina na pinalitan sa listahan si Nemanja Barac.


Nagkaroon din ng biglaang pagbabago sa Manila at pinalitan si Calvin Payawal ni Tosh Sesay ng University of Cebu at Sierra Leone sa bisperas ng torneo. Tatlong puntos lang ang inambag ni Sesay kapantay ang numero unong Filipino Mark Jayven Tallo habang dalawa si Dennis Santos at isa ang kay Paul Desiderio.


Isang mas mabagsik na Manila ang humarap sa Utsunomiya at lamang lang ang mga hapon ng isa, 18-17 sa 2-points ni Desiderio at 4:42 sa orasan. Iyan ang hudyat para uminit ang kanilang Serbian import Marko Milakovic para sa kanilang huling apat na puntos at wakasan ng maaga ang laro na may 3:47 nalalabi.


Isang dosena ang puntos ni Milakovic. Parehong may tig-anim na puntos sina Sesay at Santos, lima kay Desiderio subalit isang puntos lang ang nagawa ni Tallo.


Kahit bigo sa 3x3, bumawi ang Pilipinas sa Slam Dunk kung saan nagkampeon laban kay Brodie Stevens ng Australia na siya ring tumalo sa kanya sa Manila Masters noong nakaraang taon. Nag-uwi siya ng $4,000 (P223,000).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page