top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

UAAP: UE naisahan ang UST, Gilas 3x3 swak sa q'finals

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 1, 2023
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 01, 2023



Sinimulan ng host University of the East ang kampanya sa isang 80-70 panalo laban University of Santo Tomas sa unang araw ng 86th UAAP kahapon sa Mall of Asia Arena.


Bumida ang nagbabalik na si Rey Remogat sa gitna ng paglabas ng Warriors ng kanilang mga bagong sandata.


Ipinasok ni Remogat ang 12 ng kabuuang 21 puntos sa second half na may kasamang 10 assist at tatlong agaw. Malaki rin ang ambag ng baguhan at tubong-Nigeria Precious Momowei na sa first half pa lang ay double-double na at tuluyang nagtapos na may 17 puntos at 15 rebound.


Matapos ilatag nina Remogat at Momowei ang pundasyon ng tagumpay ay inihatid ng isa pang baguhang si Jack Cruz-Dumont ang mga puntos simula sa kanyang 3-points na itinaas sa 78-67 ang agwat at 1:19 sa orasan. Sinagot ito ng tres ni Miguel Pangilinan at naghabol ng dalawang free throw si Cruz-Dumont upang itakda ang huling talaan na may 10 segundong nalalabi.


Samantala, maghaharap ang mga pumasok sa Final 4 noong 2022 na UP at Adamson ng 4:00 ng hapon sa parehong palaruan. Sa unang laro, sisikapin ng De La Salle University at Far Eastern University na makaunang panalo at regaluhan ang kanilang mga bagong coach sa 2:00 ng hapon.


Sasandal ang Fighting Maroons kay higante Malik Diouf at mga subok ng gwardiyang sina Terrence Fortea, Joel Cagulangan at Gerry Abadiano. Tatapatan ni Jerom Lastimosa na ibubuhos ang lahat ng makakaya sa huling taon sa Adamson at asa rin ang Soaring Falcons kay Cedrick Manzano at Joshua Yerro.


Samantala, tinalo ng Gilas men’s 3x3 team sa 15-14 score ang Kazakhstan para makasampa ng quarterfinals sa 19th Asian Games kahapon.


Nanguna si Alvin Pasaol sa Philippine quartet sa 5 points kasama na ang driving basket sa nalalabing 20 seconds at bigyan agn team ng kalamangan na 15-13.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page