top of page
Search
  • BULGAR

UAAP at NCAA Women's contenders magbabanatan sa Super League

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 18, 2022



Asahan ang matinding hatawan ng bola sa paglunsad ng Shakey's Super League 2022 Collegiate Preseason Women's Volleyball Championship ngayong Setyembre 22. Lahat ng 18 koponan sa NCAA at UAAP ay napadalhan na ng imbitasyon para sa torneo na magsisilbing paghahanda para sa kanilang mga liga sa pangalawang semestre ng kasalukuyang academic year. Hinihintay pa ang huling listahan ng mga koponan bago matukoy ang tournament format. Dahil mga studyante ang kalahok, isinigurado ni Dr. Ian Laurel ng organizer ACES Athletic Events and Sports na hindi ito magiging sagabal sa kanilang mga aralin at pangkalahatang kalusugan.


Ang tiyak pa lang sa ngayon at kakaiba sa nakasanayang alituntunin ng Volleyball ay walang mababangkong manlalaro. Obligado ang coach na ipasok ang dalawang magkaibang pangkat para sa unang dalawang set.


Kasama ng SSL at ACES ang Commission on Higher Education (CHEd) upang masigurado na ligtas ang torneo para sa lahat. Paiiralin muli ang mga health protocol na ipinatupad sa nakaraang torneo ng NCAA and UAAP na parehong natapos ng maayos.


Magsasagawa ng mga torneo sa unang mga buwan sa mga piling lungsod. Lahat ng mga magwagi ay tutuloy sa National Finals sa Maynila sa Hulyo na hindi lampas sa 20 koponan.


“SSL ay hindi lang Shakey’s Super League, ito rin ay Sama-Sama Lahat,” wika ni Dr. Philip Ella Juico ng ACES. Ang kambal na torneo ay bukas sa lahat upang lalong palaganapin ng Volleyball para sa kababaihan. Ito na rin ang pormal na pagbabalik ng Shakey's na naging katunog ang pangalan sa Volleyball at itinuturing na malaki ang naging papel sa pag-usbong nito sa nakalipas na dalawang dekada. Tumakbo ang noon ay Shakey's V League mula 2004 hanggang 2016 na linahukan din ng mga varsity sa kanilang mga unang taon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page