U.S., tutulong sa paghahanap sa submersible vessel
- BULGAR

- Jun 22, 2023
- 1 min read
ni Mabel G. Vieron | June 22, 2023

Inihanda na ng White House ang kanilang US Navy team na tutulong upang mahanap ang nawawalang submersible vessel, sa mga bahagi ng lumubog na Titanic.
Ayon kay National Security Council Coordinator for Strategic Communications John Kirby, maging si US President Joe Biden ay nakatutok din umano sa nasabing rescue operations ng US Coast Guard at mga opisyal ng Canada kasama ang ilang mga ahensya.
Nagpadala rin ang Navy command ng advanced remotely operated dive vehicle na kayang sumisid sa ilalim na bahagi ng dagat upang mahanap agad ito.





Comments