top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

U.S. Olympic gymnast, binatikos ang FBI at Justice Department

BULGAR
Sep 18, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | September 18, 2021



Tahasang binatikos nina US Olympic gymnasts Mckayla Maroney at Simone Biles ang FBI at Justice Department dahil sa pagbasura ng kanilang sumbong na sexual harrasment kontra sa dati nilang coach na si Larry Nassar.


Ayon sa isinagawang pagdinig sa Senate Judiciary Committee, sinabi ng dalawang atleta na pinabayaan ng mga otoridad na patuloy na palayain ang suspek para marami pang maabusong mga kabataan.


Reklamo pa ng mga gymnast na hindi pinansin at pinagwalang bahala ng FBI ang kanilang sumbong. Base sa report, kasama nilang nagreklamo ang kapwa nila gymnast na sina Maggie Nichols at Aly Raisman. Si Nassar na dating USA Gymnast team doctor ay kasalukuyang nakakulong kung saan unang ibinunyag ang kanyang pang-aabuso noong pang Hulyo 2015.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page