U.S.A. at Italy buwenamano ang panalo sa VNL Phl leg
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 18, 2026

Photo: Hindi umabot ang dalawang sabayang depensa nina Paola Isabel at Shaylin Contreras ng Dominican Republic sa mabilisang pag-atake ng higanteng si 6'7 Dana Rettke ng United States of America sa unang maaksyong laro sa Women's Volleyball Nations League sa PhilSports Arena, Pasig City kahapon. (Reymundo Nillama)
Kapwa nangwalis ang 3-time world champion United States of America at World No.1 at reigning titlists Italy ang magkahiwalay na katunggali upang makuha ang tig-4 na panalo kagabi sa pagsisimula ng mga hampasan ng Philippine leg ng Volleyball Nations League sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Nagpamalas ng impresibong performance ang US squad sa pagdispatsa sa No. 12-ranked Dominican Republic sa 25-20, 25-19, 25-12 matapos magpasikat si star player at setter Jordyn Poulter na maayos na nadiktahan ang takbo ng laro sa 24 excellent sets para manduhan ang suwabeng atake ng Americans sa ipinosteng 43-31 puntos.
Bumida sa puntusan para sa US si Jordan Thompson sa 15 upang ipagpatuloy ang kahusayan sa Week 1 ng opener ng VNL Week 2 na prinisinta ng Philippine Sports Commission. “Practicing, training and just trying to get together as a group, since it was a new roster,” pahayag ni Thompson. “It wasn’t always pretty, but I think what we do really well is finding ways to grit through it, even when it’s not exactly how we want it.”
Bumanat din mula sa atake at net defense si middle blocker Dana Rettke sa 10 puntos. Hindi naman sapat ang ibinigay na puntos ng beteranong hitter na si Yokaira Paola Pena Ysabel sa 8 puntos para pagbidahan ang Dominican Republic, na patuloy na naghahanap ng unang panalo sa 0-5 rekord.
Nakabalik naman ang Italy sa winning column matapos bawian ang Czech Republic sa 25-18, 25-21, 25-22 sa ikalawang laro at umangat sa 4-1 rekord. Naging matalas ang birada ni Ekaterina Antropova na maagang kumarga ng game-high 21 puntos habang naglaro naman sa unang pagkakataon sa VNL si Sarah Fahr sa 13 marka. Nanguna naman para sa Czechia si Monika Brancuska sa 16 points.





Comments