Two-time gold medalist, ninakawan daw nang milyones… NETIZENS KAY CARLOS: IDEMANDA MO ANG NANAY MO!
- BULGAR

- Sep 5, 2024
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 5, 2024

Akala namin ay humupa na ang isyu sa pagitan ng two-time gold medalist sa Paris Olympics 2024 na si Carlos Yulo at sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang inang si Angelica Yulo.
Nakikita kasi namin sa mga socmed posts na nagmu-move on na ang pamilya Yulo at bisi-bisihan na nga ang nanay ni Carlos sa pagtitinda ng garlic longganisa at pagla-live selling ng mga branded products, habang kaliwa't kanan naman ang TV guestings ng gymnast at ng kanyang 'most hated GF' na si Chloe San Jose.
Pero dahil sa recent comment ng tatay ni Carlos na si Mr. Mark Andrew Yulo sa isang balitang lumabas sa Facebook page ng ABS-CBN News, na-trigger na namang makisawsaw ang mga Marites sa dapat ay pampamilyang issue lang pero ginagawa nang national issue since 'national hero' rin naman daw si Yulo.
Comment kasi ng tatay ni Carlos sa naturang news item, "Dapat matuto siyang mag-sorry sa kanyang nanay na mali ang sabihan niya ang kanyang nanay na magnanakaw para gumanda ang kanyang imahen (sic: imahe)."
May mga nakisimpatya kay Mr. Mark Andrew Yulo at naawa sa mga magulang ni Carlos dahil parang namamalimos daw ng pagmamahal at atensiyon ang mga ito sa kanilang anak gayung mukhang wala pa rin sa plano ni Carlos ang magpakumbaba at makipagbati sa kanyang pamilya.
Pero may mga nang-bash din sa pamilya ni Carlos at feeling ng ilang supporters ng gymnast, naghahabol lang sa more than P100 milyong incentives niya ngayon ang kanyang mga magulang.
May nabasa pa nga kaming comment ng netizen na "Idemanda na lang ni Carlos ang magulang niya para lumabas ang totoo kung nasa'n 'yung hinahanap niyang pera na mula P7M, naging P11M pa nga."
Naku po! Seriously, kailangan pa bang umabot sa demandahan para lang magkaalaman sila kung sino ang nagsasabi nang totoo, sino ang niloko o sino ang nanloko?
Tsk, tsk, tsk! Nakakalungkot naman na mas mahalaga pala ang pera kesa sa pamilya?
Hay, life naman talaga, oo!
NAG-WATCH kami sa homecoming concert ng dating singer nu'ng '90s na si Jo Awayan sa Music Museum last Saturday night. Produced ito ng good friend naming si Tita Token Lizares a.k.a. Charity Diva at ng dating aktres na si Lovely Rivero.
Hindi na ganu'n kalinis ang timbre ng boses ni Jo na maraming regular followers noon sa Cosmo Bar sa Annapolis, Greenhills, pero hanep pa rin ang kanyang galaw at performance level, to the max talaga at todo-bigay!
At nagulat kami dahil punumpuno ang Music Museum kung saan dumating din at sumuporta ang maraming kaibigan at mga fans ni Jo Awayan na naka-miss sa kanyang performances noon.
US-based na ngayon si Jo Awayan kasama ang kanyang 16 yrs. nang misis na all-out support din sa kanya that night, at wa' silang paki na nag-kissing-kissing sa stage kahit pa may mga madre sa audience na mga friends ni Tita Token bilang ang Servants of Mary ang beneficiary ng naturang homecoming concert.
"Love wins" talaga ang ganap nila lalo't very open naman si Jo sa pagiging member ng LGBTQIA community.
Bukod sa pagiging producer, kumanta rin ng dalawang powerful songs si Tita Token Lizares bilang guest ni Jo Awayan, ganu'n din si Rannie Raymundo, habang nahila naman sa audience si Garrett Bolden ng The Clash na pinalakpakan sa kanyang version ng She's Gone.
Nasa audience rin si Gigi de Lana para sumuporta sa concert ni Jo dahil ipinagpo-produce rin pala siya ng concert abroad ng dating singer at ng misis nito.
Nadismaya lang ang mga concertgoers nu'ng kinantiyawan si Gigi na mag-sample kahit ng isang kanta lang pero hindi nito pinagbigyan.
Feeling tuloy ng ilang nanood, lumaki na ang ulo ni Gigi na porke walang bayad ay ayaw na nitong kumanta.
Luh, may ganern, Gigi de Lana?
Anyway, congrats sa production team nina Tita Token and Ms. Lovely sa successful homecoming concert ni Jo Awayan.
'KALOKAH, sumiklab ang debate tungkol sa pagkuha ng permit para tumulong sa mga biktima ng bagyo sa episode ng CIA with BA last Sunday (Sept. 1).
Sa segment na Yes or No, tinanong ni Manilyn ng Mariteam kung kailangan pa raw ba talaga ito dahil nagpaplano sila ng mga kaibigan niya na mangolekta ng donasyon mula sa publiko at magsagawa ng fundraising activities para sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
“Officially, the answer is ‘Yes,’” ani Senator Pia Cayetano.
“Nung [time] ng COVID-19, ang daming naglabasan na fundraising [activities] para makatulong sa tao. Tapos naglabas ang DSWD ng paalala na lahat ng gustong mag-fundraising, kailangan kumuha ng permit. Ang daming umangal na netizens dahil hihingi ka pa ng permit, eh, baka ‘yung sasaklolohan mo, namatay na o baka kung ano nang nangyari.
"Sa pagkakaalala ko, sinuspend muna pansamantala ‘yung requirement na ‘yan but it is a presidential decree na nagsasabing kailangan ng permit,” paliwanag ni Sen. Pia.
Eh, kasi naman daw, may mga nang-aabuso at ginagamit ang fundraising projects kuno para mambudol.
Sabi naman ni Sen. Alan, “Nakikita natin na kahit maganda ‘yung intensiyon ng batas, minsan nagbabangga. For example, sa donations, bakit mo pa papahirapan kumuha ng permit? On the other hand, maraming nanloloko o kaya panis [‘yung pagkain] na naibigay, sino'ng hahabulin mo? I’m not saying na in every single situation, kailangan may red tape o lahat ng klaseng permit. May purpose rin po kasi talaga na maraming regulasyon to protect,” paliwanag naman ni Senator Alan.
Para naman kay Boy Abunda, napagtanto niya na, “Kaya pala may mga amendment ang batas, may mga exemption, kasi habang ginagawa pala ang mga batas, may mga bagay-bagay na hindi pa nako-consider, hindi pa nakikita.”
Oh, 'di ba, ang daming natututunan sa CIA with BA na napapanood tuwing Linggo, 11:00 PM sa GMA-7, na may replays sa GTV sa sumunod na Sabado, 10:30 PM.




Comments