top of page
Search
  • BULGAR

Twitter Blue, posible umanong maibalik — Elon Musk

ni Lolet Abania | November 13, 2022



Posible umanong maibalik na sa susunod na linggo ang Twitter Blue. “[Twitter Blue will probably] come back end of next week,” ayon sa billionaire owner na si Elon Musk sa isang tweet nitong Sabado.


Noong Biyernes, itinigil ng Twitter ang kamakailan lamang nilang inanunsiyo na $8 blue check subscription service habang may mga nagsusulputang fake accounts.


Ang pinakaaabangang blue check mark ay una nang naka-reserve para sa mga verified accounts ng mga politicians, tanyag na mga personalities, journalists at iba pang public figures. Subalit ang subscription option, na bukas kaninuman na handang magbayad, ay nai-rolled out nito lamang linggo upang makatulong sa Twitter na lumaki ang revenue habang si Musk ay nakikipaglaban para naman ma-retain ang mga advertisers.



Gayunman, maraming mga users ang nai-reportong Biye nitrnes na ang bagong subscription option para sa blue verification check mark ay nawala, habang isang source ang nagsabi sa Reuters na, “the offering has been dropped.”


“To combat impersonation, we’ve added an ‘Official’ label to some accounts,” tweet nitong Biyernes ng Twitter’s support account, kung saan mayroong “official” tag.


Ang naturang label ay orihinal na in-introduce noong Miyerkules, subalit ginawang “killed” ni Musk ilang oras lamang ang nakalipas.


Noong Huwebes, sa kanyang unang companywide email, nagbabala naman si Musk na ang Twitter ay hindi magagawa aniya, “[to] survive the upcoming economic downturn”, kung mabibigo itong i-boost ang subscription revenue para mai-offset ang bumabagsak na advertising income, pahayag sa Reuters ng tatlong indibidwal na nakabasa ng message.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page