top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Twinkle Toes, nanilat sa Handicapping ng SLLP

BULGAR
May 28, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 28, 2022


Nagpakitang-gilas si Twinkle Toes matapos manalo sa PHILRACOM rating Based handicapping System na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, noong Huwebes ng gabi.


Sinakyan ni jockey Esmael Nahilat, inirehistro ni Twinkle Toes ang tiyempong 1:31.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ng winning horse owner ang added prize na P5,000.


Humarurot sa arangkadahan si Twinkle Toes para hawakan ang dalawang kabayong agwat sa kalagitnaan ng karera. Pero kinapitan si twinkle Toes ni High Honours papasok ng far turn kaya kalahating kabayo na lang ang lamang nito.


Hindi naman nasira ang diskarte ni Twinkle Toes nanatili ito sa unahan at tawirin ang meta ng may isang kabayo ang distansiya.


Dumating na segundo si High Honours, tersero si Blue Mist habang pumang-apat si Good Reason.

Samantala, hindi naman nagpadaig si Rockaway matapos nitong manalo sa isa pang PHILRACOM-RBHS na pinakawalan sa pangalawang karera.


Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey of the year awardee Jonathan Hernandez, inilista ni Rockaway ang 1:31.6 minuto sa 1,400 meter race.


Ang nasabing mga karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page