Twinkle Dargani, puwede na mag-joy ride gamit ang P25-M Lamborghini Luxury Car
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 13, 2022
GOOD PERFORMANCE PA RIN SI P-DUTERTE SA MGA SURVEY FIRM KAHIT MARAMING NADADALE NG COVID-19–Kahit nababatikos ang Duterte gov’t. sa dami ng tinatamaan ng COVID-19, asahan pa ring may mga survey firms ang maglalabas ng resulta at magbibigay ng mataas na marka sa Pangulo na kesyo ‘good’ ang tugon nito sa laban kontra pandemya.
Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na kahit ‘bad’ ang performance ay ginagawa pa ring ‘good’ ng mga survey firms para ungguyin ang mamamayan, boom!
◘◘◘
TWINKLE DARGANI, PUWEDE NA MAG-JOY RIDE–“For humanitarian reason” umano kaya pinalaya na ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III si Pharmally executive Twinkle Dargani kahit ayaw nitong makipagtulungan sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa multi-billion scam ng mga tinaguriang “Davao Boys”.
Isa si Twinkle sa mga sangkot sa multi-billion scam na ‘to, kaya nakabili siya ng Lamborghini worth P25-M.
At dahil malaya na siya, para na ring sinabi ni Tito Sen na puwede na mag-joy ride si Twinkle gamit ang kanyang Lamborghini, pwe!
◘◘◘
PINAGNAKAWAN NA SI ASEC. LIBIRAN, INOKRAY PA NG NETIZENS–Pinost ni DOTr Asec. Goddes Hope Libiran sa social media ang ginawang pagnanakaw ng kanyang katulong, kung saan nakatangay ito ng cash at mga alahas na worth P1.2 milyon, pero imbes na makakuha ng simpatiya ay inokray pa siya ng mga netizens.
Inihalintulad ng mga netizens ang magnanakaw na kasambahay sa magnanakaw na pulitiko.
At dahil uso ngayon ang pagtatanggol sa mga magnanakaw na pulitiko na, “Iboboto nila ang mga magnanakaw na pulitiko, basta marami itong nagawa” ay todo-comment ang mga netizens na, “Move on na kasi kahit nagnakaw ang kasambahay ay marami naman itong nagawa, tulad ng paglilinis, paglalaba at pagluluto”, boom!
◘◘◘
MALING OKRAYIN ANG NANAKAWAN AT MALING BUMOTO NG MAGNANAKAW–Ang post ni DOTr Asec. Libiran na siya ay pinagnakawan ay para bigyang-babala ang publiko na mag-ingat.
Kaya ‘yung okrayin pa siya ng netizens at gawing katatawanan ang nangyari ay mali ‘yan.
At para naman sa mga ‘bobotante’, mas mali ang gusto nilang mangyari na suportahan ang magnanakaw na kandidato kahit pa may nagawa ito, kailanman ay walang “K” ang kawatan na maglingkod sa bayan, period!





Comments