top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

TVJ at Dabarkads lang ang nawala… EAT BULAGA!, GINAMIT PA RIN NG TAPE, INC.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 6, 2023




“DABARKADS, tara! Eat… Bulaga! na,” ang unang sigaw ng mga bagong hosts.


May pa-slogan pa silang, “Kayo ang dahilan kung bakit kami nandito.”


Kitang-kita ang effort ng mga new hosts na magpasaya at maging masaya. Sinubukan din nilang magpasabog ng mga papremyo, from cash to gadgets, etc. at talagang gamit na gamit nila ang salitang “Dabarkads” sa bawat portion, pero hilaw pa talaga sila sa awrahan.


Pero, dahil mga bata pa naman sila at energetic, aabangan siyempre kung hanggang saan nila kayang i-sustain ang show. Aabot din kaya sila ng kahit isang taon man lang?


Meanwhile, may mga naghahanap kay Bida Next winner Carren Eistrup at kung nasaan na nga ba siya?


Bigla na lang kasi itong naglaho, lalo’t hindi naman siya sumama kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon nang mag-resign ang mga ito sa TAPE, Inc..


At kung totoo ngang sa TV5 na lilipat ang mga original na EB! Dabarkads, mukhang kailangan pa nga nating maghintay hanggang sa katapusan nitong June.


Sa June 30 pa raw kasi matatapos ang kontrata ng It’s Showtime sa Kapatid Network unless na lang na may iba pang development na lalabas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page