Tuwang-tuwa na nakahawak ng cash… HALF NG UNANG SUWELDO NI BIMBY, IDO-DONATE
- BULGAR

- 11 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 5, 2026

Photo: FB Bimby Aquino
Nakatikim na ng kanyang unang suweldo si Bimby Aquino bilang co-host ng Eat…Bulaga! (EB!).
Sa pinakabagong post sa Facebook (FB) fan page ni Bimby ay mapapanood ang video kung saan tinatanggap ng bunsong anak ni Kris Aquino ang kanyang suweldo.
Habang pumipirma sa voucher ay natanong siya kung sino ang iti-treat niya sa kanyang first sahod.
“My mom, of course,” sey niyang natatawa.
He also revealed na ang kalahati ng kanyang suweldo ay ido-donate nila sa charity.
“‘Yan ang promise ni Mama to my priest, si Jun, Father Jun, or he’s a bishop now yata. So we’re gonna donate half of it muna,” aniya.
Makikita rin sa video na nagulat si Bimby na in cold cash ang ibinayad sa kanya.
“Wow, it’s cash! I like cash!” sey pa niyang tuwang-tuwa.
Aliw na aliw naman ang mga netizens sa pagiging humble at pagiging isang mabuting
anak ni Bimby.
“Parang ‘di mayaman sa reaction ni Bimby. Humble talaga,” komento ng isang netizen.
“Hala! Nakakatuwa naman ‘tong batang ‘to. Kahit marami na silang pera, masaya pa rin s’ya sa suweldo n’ya. Mabait ding bata,” sey naman ng isa pa.
Nasa gawa at ‘di lang daw sa salita ang love…
KATRINA KAY KRIS: SANA DUMAMI PA ANG LALAKING TULAD MO
MULING nagpakilig sina Kris Lawrence at Katrina Halili sa kanilang first official date.
Tila hindi nakatiis ang singer-rapper na malayo nang matagal sa kanyang lady love kaya 2 weeks pa lang siyang nasa United States (US), na supposedly ay 2 months, ay umuwi na siya ng ‘Pinas.
Ipinost ni Katrina ang mga larawang kuha sa kanilang first date at makikita ngang may pa-flowers pa si Kris sa kanya.
“Ang galing, baka eto ‘yung panaginip ni Katie na pupunta kami ng US, visit daw sa papa n’ya. ‘Yun pala, papa n’ya ang lumuwas,” sey ng aktres sa caption.
“So eto na nga ang kuwento ko kagabi. Puwede ko na ilabas ‘yung photos ng first date namin ni Mr. B!
“‘Di ako sanay maglakad na may flowers, tapos ‘yung mga nakakakita, nakangiti. Nagtago ako sa likod ni Mr. B habang naglalakad, habang nakasiksik ‘yung flowers at kamay ko sa likod n’ya,” kuwento pa ni Katrina.
“Thank you, Mr. B,” mensahe niya kay Kris.
Sa comment section ay hindi magkamayaw ang komento ng mga netizens at kilig na kilig sila na talagang umuwi pa si Kris para makita siya at siyempre, pati ang anak nilang si Katie.
Sey ng mga fans…
“‘Di makatiis sa almost two months LDR (long distance relationship). Napauwi s’ya, Hahaha!”
“Haba ng hair! Abot mula Luzon, Visayas at Mindanao. Grabe ‘yung inuwian for 4 days, then aalis lang ulit, babalik sa US.”
Sa isang separate post kamakailan ay nagpasalamat si Katrina kay Kris sa lahat ng ginagawa nito para sa kanilang mag-ina.
“Thank you, Mr. B, sa lahat ng ginagawa mo para kay Katie... at kasali na rin nga pala ako,” aniya.
“Salamat sa pagiging isang lalaking marunong rumespeto sa babae, marunong maghintay, maalaga, maalalahanin, at nagbibigay nang walang hinihintay na kapalit,” mensahe pa niya kay Kris.
Wish ng aktres na dumami pa ang mga lalaking katulad ni Kris na ipinapakita ang pagmamahal sa gawa.
“Sa panahon ngayon, bihira na ang mga taong may ganitong klase ng puso.
“Sana dumami pa ang mga lalaking katulad mo... ‘yung ang pagmamahal ay ipinapakita sa gawa, ‘di lang sa salita,” pahayag ni Katrina.





Comments