Tuta ng pangulo, nawala ang tapang…

ROBIN, TODO-BANAT SA MMFF DAHIL BULOK DAW, BIGLANG-KAMBIYO DAHIL KAY P-DIGONG
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 10, 2020

Ikinatuwa at aminado ang line producer ng Magikland, isa sa 10 official entries sa MMFF 2020, na si Direk Lore Reyes na malaking advantage sa kanila na hindi nakapasok ngayong taon ang mga dating namamayagpag sa box office tuwing December filmfest na sina Vice Ganda, Coco Martin at Bossing Vic Sotto.
Sa Zoom mediacon kahapon ng pelikulang produced ng Bright Light Productions ni Cong. Albee Benitez, nagpakatotoo at diretsahang sinabi ni Direk Lore na no offense meant sa mga nabanggit na big stars pero malaking oportunidad nga para sa kanila na sa ngayon, wala silang mabigat na kalaban sa filmfest.
"Honestly, malaking advantage kasi mahirap banggain 'yang mga ganyang stars, bukod sa big budgeted ang mga pelikula nila. Not to mean negative about it pero malaking bagay na wala sila ngayon para magkaroon naman ng chance 'yung ibang filmmakers natin. Marami tayong magagaling na baguhang filmmakers, malaking oportunidad na maka-discover din tayo ng mga bagong artista na puno ng talent."
Tulad nga naman dito sa Magikland, bagama't hindi super big stars ang mga bida ng pelikula na sina Elijah Alejo, Princess Aliyah Rabara, Joshua Eugenio, Jamir Zabarte, Hailey Mendez at Miggs Cuaderno, positibo ang producer at maging ang direktor na si Christian Acuña na maghi-hit, tatangkilikin at pag-uusapan ito sa darating na MMFF sa Dec. 25 dahil bukod sa pambata ang pelikula, de-kalidad ang visual effects nito na hindi nagpapahuli sa mga Hollywood movies.
Parang ito ang bagong version ng Magic Temple movie noon kung saan unang nakilala si Anne Curtis.
Anyway, bilang konsepto nina Direk Lore at Direk Peque Gallaga (RIP) itong Magikland na 3 years ago pa nang simulan nilang gawin, nahingan namin ng reaksiyon si Direk Lore sa naging pahayag ni Robin Padilla na bulok pa rin ang sistema sa MMFF dahil wala pa rin daw nagbago sa mga napiling entries this year kahit pa kung tutuusin ay nawala na nga ang mga naghahari sa box office.
Mataray na sagot ng batikang direktor, "Kung 'yan ay nanggaling sa bunganga ng taong nakagawa ng matinong pelikula, maniniwala ako, but not kay Robin Padilla."
Ang siste, pagkatapos palang birahin ni Robin ang Selection Committee ng MMFF dahil hindi siya natuwa sa mga pumasok na entries — lalo't nalaglag ang documentary film niya tungkol sa buhay ng mga dating NPA na gusto sana niyang maipalabas sa taunang filmfest — heto't biglang kumambiyo si Binoe matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinusuportahan niya ang mga pumasok na pelikula ngayon sa MMFF.
Ang latest post na ni Robin sa kanyang IG account tungkol sa MMFF entries this year, "Kapag nagsalita na ang pinakapinuno ng mga pinuno, ibig sabihin, 'yun na ang mangyayari at magaganap. Katulad ng salmo ng pangulo!
"Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Mabuhay ang talentong Pilipino. In shaa Allah ay matupad lahat ang mithiin ng ating pangulo at ito na ngang MMFF ang maging umpisa ng pag-ikot pataas ng industriyang pelikulang Pilipino.”
Oh, ha?! Bilib at saludo pa naman kami sa pagiging makabayan ni Robin, 'yun pala, ang loyalty niya ay hindi sa kanyang bansa kundi sa pinunong kanyang sinasamba.
Aw-aw!





Comments