Turista, arestado matapos mapatay ang isang motorista

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 13, 2023

GREECE — Arestado ang isang British tourist matapos umanong mabangga at mapatay ang isang dumaraang lokal na motorista.
Nangyari ang insidente bandang alas-3:00 ng hapon sa labas ng fire station sa Kalamata-Areopolis road, malapit sa Prosilio. Nagtatangka umano ang suspek na edad 55, na mag-u-turn ngunit nabangga nito ang 42-anyos na biktima.
Dagdag pa ng pulisya, naganap ang salpukan bandang 27 kilometro sa nabanggit na kalsada.
Kinumpirma rin ng awtoridad ng Western Mani Municipal na inaresto na ang suspek at patuloy din ang imbestigasyon sa nasabing insidente.





Comments