top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Turismo, ‘wag hayaang maapektuhan ng oil spill

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2023
1 min read

@Editorial | March 17, 2023



Sa nagpapatuloy na pagkalat ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa bahagi ng Oriental Mindoro, pinangangambahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga tourist sites na maaapektuhan.


Batay sa tala ng Department of Tourism (DOT), 61 tourist sites ang apektado ng oil spill.


Nakikipag-ugnayan na umano ang mga regional offices ng DOT sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coast Guard (PCG) at sa mga local government units.


Habang tumatagal, lumalawak ang pagkalat ng oil spill, bagay na hindi dapat balewalain ng mga awtoridad.


Marahil ay kailangan nang magtalaga ng opisyal na tututok sa problema o mangangasiwa sa mga ginagawang operasyon sa mga lugar na apektado.


Batid naman natin na halos nagsisimula pa lang bumangon ang ating turismo mula sa pandemya, napakalaking dagok kung muli itong lumubog.


Kaya dapat nang mapigilan ang paglala ng sitwasyon, protektahan ang mga tourist spot, gawin na ang lahat ng paraan para masolb ang oil spill.


Maraming hanapbuhay na naman ang malalagay sa alanganin at ganundin ang ekonomiya ng bansa. Kaya doble-kayod tayo sa pagresolba sa oil spill kasabay ang pag-alalay sa mga kababayang apektado nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page