top of page
Search
  • BULGAR

Turismo ng ‘Pinas, umaarangkada

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Pebrero 1, 2024


Sa usapin ng turismo, napakalaki ng ambag ng mismong Pilipino sa pagtataguyod ng industriya.


Maganda ang Pilipinas, at ayon sa mga datos, mukhang tunay namang minamahal ng mga Pinoy ang sariling atin.


Nasa 80 percent daw ng tourism receipts ng bansa ay nagmumula sa domestic tourism, ayon kay Associate Director John Paolo Rivera ng Andrew L. Tan Center for Tourism, na isang research center sa Asian Institute of Management.


“Unique characteristic” daw ito ng ating bansa na mas maraming Pilipino ang dumadalaw sa mga tourist attractions kaysa mga galing sa ibang bansa, dagdag pa niya.


☻☻☻


Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 102 million domestic trips ang naitala noong 2022.


Sa 1.87 trillion pesos na internal tourism expenditure na naitala, nakasama ang foreign tourists at mga overseas Filipinos, at nasa 1.5 trillion pesos ang direktang iniambag ng domestic tourism spending.


Inaasahan din na mas lalo pang iigting ang domestic tourism dahil sa mas maraming long weekend ngayong 2024.


☻☻☻


Natutuwa tayo na sabik ang ating mga kababayan na tangkilikin ang sariling atin.


Para sa akin, maituturing na bayanihan ang domestic tourism sapagkat tayo mismo ang nagtataguyod ng kabuhayan ng mga kababayan natin sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Nawa’y patuloy pang lumago ang turismo ng bansa, sa tulong ng bawat isa sa atin.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito. Be Safe. Be Well.


Be Nice! 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page