top of page
Search
  • BULGAR

Turismo ng ‘Pinas, panalo sa 2023 FIBA World Cup

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | September 21, 2023


Naging tagumpay para sa turismo ng bansa ang idinaos na 2023 Fiba Basketball World Cup.


Ipinahayag ng Department of Tourism na tumaas daw ang occupancy rate sa 9 official hotels ng Fiba World Cup, bukod sa pagdami ng bisita mula sa mga bansang lumahok sa patimpalak.


Ayon sa DOT, halos kalahati ng 20 participating countries ang rumehistro ng growth rate na mahigit 100 percent sa visitor arrivals mula July 1 hanggang September 12 kumpara sa parehong period noong 2022.


Lumaki rin daw ng 700 percent ang visitor arrivals mula Dominican Republic, 600 percent mula Latvia, 595.85 percent mula China, 444.58 percent sa Lithuania, at 429.07 percent sa Serbia.

☻☻☻


Magandang balita ito, at inaasahan natin na mapapanatili ang ganitong pag-usad sa iba pang international events na idadaos sa bansa sa natitirang buwan ng 2023 at sa susunod pang mga taon.


Magpatuloy nawa ang pagtutulungan ng pamahalaan at private sector sa pagsusulong ng turismo.


Patuloy rin sana nating linangin pa ang ibang salik na magsisiguro ng magandang experience para sa mga turista, maging sarili man nating kababayan o mga buhat sa ibang bansa.


Kasama na rito ang pagsiguro ng maayos na imprastruktura at transportasyon, pagkakaroon ng mga pasilidad gaya ng maayos na banyo at hospital sa mga tourist areas, at iba pa.

☻☻☻


Tutukan natin ang muling pagbangon ng turismo sa bansa dahil may direktang benepisyo ito sa ating mga kababayan.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page