Turismo ng ‘Pinas, humahataw
ni Ryan Sison @Boses | December 15, 2023
Unti-unti na ring nakakabawi ang industriya ng turismo ng ating bansa.
Buong pagmamalaki kasing ipinahayag ng Department of Tourism (DOT) na nalagpasan nila ang kanilang year-end target na tourist arrivals.
Ayon kay DOT Secretary Christina Frasco, umabot na sa 5.070 milyon ang naitalang international visitors na malinaw na lumagpas ito sa kanilang 4.8 milyong target ngayong 2023. Dahil dito, nagdulot ng P439.5 bilyong kita ito ng gobyerno.
Sinabi ni Frasco na sa naturang bilang, 91.88 porsyento o karamihan ng mga tourist arrival ay mga dayuhan na katumbas ng mahigit sa 4.6 milyong turista, habang ang natitira naman ay mga overseas Filipino.
Sa mga dayuhang bumisita sa ating bansa, nanguna ang mga South Korean, kasunod ang U.S. nationals, pangatlo ang mga Japanese at pang-apat ang mga taga-China.
Good news ang pagpasok ng maraming foreign tourists dahil siguradong dagdag na kita ito sa ating bansa.
Ilan taon ding kasing naapektuhan ng pandemya ang tourism industry, kaya hirap na hirap silang makabangon agad.
Pero dahil sa binuksan na ang ating turismo, tiyak na makaka-recover na rin tayo nang husto.
Paalala lang natin sa kinauukulan na sana ay maging maingat pa rin tayo na i-check ang mga dumarating na mga turista, maging ang kanilang mga bagahe. Hangga’t maaari sana ay inspeksyunin natin itong mabuti subalit huwag namang umabot sa puntong pinakikialaman na natin ang laman ng kanilang mga bag at maleta.
Sakali namang kinakikitaan sila ng sintomas ng sakit, dapat na mabigyan sila agad ng medikal na atensyon ng ating mga health worker.
Magtuluy-tuloy na sana ang pag-usad ng industriya ng turismo na sadyang malaking tulong sa ating ekonomiya.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments