‘Tunnel’ sa NBP, buking… BuCor, humingi ng tulong sa DENR
- BULGAR
- Nov 11, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 11, 2022

Iniimbestigahan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang isang “tunnel” na natagpuan sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay BuCor acting director-general Gregorio Catapang Jr., “[The hole is] 200 meters wide and 30 meters deep.”
“We don’t have the expertise here. We are calling the DENR (Department of Environment and Natural Resources) to help us investigate this illegal quarrying sabi nila,” pahayag ni Catapang sa ANC ngayong Biyernes.
“But sabi ko nga, we are not expert so we would like to rely on expertise to look into this illegal quarrying,” sabi niya.
Hindi pa masabi ni Catapang sa ngayon kung ang “tunnel” ay ginamit para makatakas ang mga inmates o magpuslit ng kontrabando.
“We will look into that. There are so many possibilities kung anong puwedeng gawin du’n sa hinuhukay na ‘yan,” saad ni Catapang.
Sa hiwalay na TV interview, sinabi ni Catapang na matatagpuan ang “tunnel” malapit sa Director’s Quarters, ang opisyal na tirahan ng mga prisons bureau chief.
Binanggit din ni Catapang na ang DENR ay hindi nagbigay ng permit para sa naturang excavation project.
Nadiskubre ang tunnel ilang araw matapos na isurender ng mga Bilibid inmates ang nasa 12,000 contraband items, kabilang dito ang illegal drugs, cellphones, mga armas, at alak.
Sinabi naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa 400 inmates na ang nakatakas sa pasilidad sa nakalipas na 40 taon.
Nasa tinatayang 29,000 inmates ang nakakulong sa NBP, kung saan orihinal na itinayo para sa 6,000 detainees.





Comments